^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Noise pollution

Pilipino Star Ngayon

NAPANSIN ni Pres. Rodrigo Duterte ang ma­ingay na motorsiklo habang nasa isang press conference sa Antipolo City noong nakaraang Miyerkules. Na-interrupt ang press con nang big­lang humarurot ang isang motorsiklo habang nagsasalita ang Presidente. Makaraang makalampas ang maingay na motorsiklo, may pagkainis na sinabi ni Duterte na ang mga maiingay na motor ay hindi niya pinapayagan noong siya pa ang mayor sa Davao. Hinahampas daw ng steel bar ang motorcycle driver kapag maingay ang motor nito. Kaya wala raw maingay na motor doon. Tahimik na tahimik sa Davao dahil walang humaha­rurot na motorsiklo.

Nakakairita naman talaga ang mga humaha­rurot na motorsiklo. Tila walang pakialam ang motor­­cycle riders sa kanyang kapaligiran. Parang sila lang tao sa mundo kung paharurutin ang kanilang motorsiklo.

May masamang epekto ang noise pollution sa kalusugan. Ayon sa pag-aaral, nagdudulot ito ng stress, fatigue at hypertension. Apektado rin ang pandinig, pagtulog at may nagiging aggressive ang behavior.

May mga ordinansang ipinapasa ang mga bayan­ at siyudad na bawal ang pagpapaharurot ng motor­siklo lalo pa sa loob ng subdibisyon, malapit sa school, simbahan at ospital. Pero nagiging dekorasyon na lamang ang ordinansa sapagkat hindi kayang ipatupad ng mga mayor at iba pang opis­yales. Balewala ang pinagdebatehan sapagkat wala namang napaparusahan o pinagmumulta.

Ngayong nagpahaging na si Duterte nang pagkainis sa maiingay na motorsiklo, dapat namang kumilos ang LTFRB o LTO para masaway ang mga maiingay na nagmomotorsiklo. Kapag nahuling maingay ang motor, patawan ng parusa ang driver o kaya’y kumpiskahin ang lisensiya. Sa ganitong paraan, matatakot ang mga ito at susunod sa ordinansa. Walang nakakagusto sa maingay na kapaligiran.

Masarap at panatag ang buhay kung walang mga salot na drug traffickers, criminal, corrupt na opisyal at humaharurot na motorsiklong bumabasag sa eardrum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with