^

PSN Opinyon

Mayayamang dupang humanda kayo

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PINAIGTING ni Boss Digong at PNP General Bato dela Rosa ang kampanya kontra droga kaya naman walang humpay ang mga autoridad sa pagtugis sa mga sindikato, druglords, pusher at adik sa Philippines my Philippines.

Ang matindi dito ay hindi biro ang dami ng napapatay na mga dupang sa droga.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kampanya ng gobierno dito ay walang sini-sino mapa-bata o matanda, tomboy o bakla, politiko o pulpol, may ngipin o wala, mapa-pulis o sundalo, taga - gobierno o tambay basta sumabit tiyak may paglalagyan.

Saan?

Sagot - parang 6 feet below the ground?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumataas ang bilang ng mga napapatay na sangkot sa droga dahil lumalaban sa mga autoridad bukod pa sa kilo-kilong shabu at iba pang uri ng mga illegal drugs ang nakukuha ng mga alagad ng batas kaya naman marami ang natutuwa sa kampanya versus illegal drugs sa Philippines my Philippines.

Ika nga, Mabuhay kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang balak ang gobierno na tumigil sa kampanya laban sa droga dahil araw-araw na ginawa ni Lord lalo nilang pinaiigting ang kanilang operasyon at hinahanap ang source ng bawal na gamot kahit sa loob ng mga bilibid at masusukal na lugar ay kinakapa ng mga ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Kaya naman naamoy ni General Bato ang lungga ng mga mayayamang diumano’y adik at pushers na nakatirik sa ilang lugar sa Bonifacio Global City kaya ito naman ang kanilang titiktikan sa mga susunod na araw para malambat sila o diumano’y takpan ng dyaryo ang kanilang katawan oras na lumaban sila sa batas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gustong iparamdam ni General Bato sa madlang pinoy na hindi totoong mga mahihirap na nilalang ni Lord lamang ang kanilang kayang itumba este mali hulihin pala.

Sabi nga, no one is above the law, kaya lahat pantay-pantay para sa gobierno pagdating sa operasyon ng illegal drugs.

Ika nga, kahit mayaman kapag lumaban tiyak pagsasaklaan este mali may paglalagyan pala.

Sabi nga, patay, patay este mali pantay-pantay pala lahat ng madlang pinoy pagdating sa usaping illegal drugs!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang maamoy este malaman pala ng mga bright sa BGC ang balak ni General Bato sa ginawang pamamasyal nito sa mga lugar dyan na tambayan ng mga maykaya medyo umatras ang mga pushers at nagtago ang mga dupang na adik baka kasi sila masampolan.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with