^

PSN Opinyon

Tabletang insulin

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG kayo ay diabetic at naka-insulin na, alam ninyo ang abala ng pag-iiniksyon ng insulin sa katawan, bukod sa sakit na dulot ng iniksyon mismo. Bagama’t nasasanay rin ang mga nag-iiniksyon ng sarili ng insulin, sigurado ako na kung may mas maginhawang paraan ay lubusang tatanggapin ito. Natatandaan ko na naglabas ang Pfizer ng “inhalable” na insulin, o kung saan ang pamamaraan ng pagbigay sa katawan ay sa pamamagitan ng pagsinghot nito, tulad ng mga gamot pang-asthma. Pero noong 2007, itinigil na ng Pfizer ang paggawa ng gamot, dahil sa tingin nila ay hindi naging matagumpay ang pagtanggap ng publiko. May ibang kumpanya na naglabas ng sarili nilang “inhalable” insulin, pero hindi rin masabi kung matagumpay ang produkto sa merkado. Sa aking pagkakaalam, wala pang nakapasok sa bansa ang anumang “inhalable” insulin.

Kaya may kompanya na gumagawa ng insulin na tableta. Isipin na lang kung tableta na ang insulin, hindi mo na kailangan mag-iniksyon sa katawan. Hindi mo na rin kailangang bumili ng herenggilya. Tubig na lang ang katapat mo. Ang malaking balakid noon sa paglikha ng insulin na pwedeng inumin na lang bilang tableta ay ang asido ng tiyan, na siyang lumulusaw sa insulin bago umabot sa dugo. Pero ayon sa ilang mga eksperto sa Niagara University, may nalikhang kemikal, “Cholestosome”, na nagbibigay proteksyon sa insulin habang nasa tiyan. Kapag nakalampas na sa tiyan at nasa bituka na, nailalabas na ang insulin para tuluyang makapasok sa dugo. Ito ang simpleng paliwanag, pero tiyak marami pang mga mas kumplikadong prosesong nagaganap.

Patuloy ang pag-testing sa nasabing kemikal sa mga hayop sa laboratoryo. Pero pinaghahandaan na rin ang pagsubok sa tao mismo. Ipiprisinta sa American Chemical Society ang bagong kremikal, bago ituloy ang pag-testing sa tao. Sana nga ay maging matagumpay ang bagong gamot na ito para sa sakit na diabetes. Sa Pilipinas, nasa pito hanggang walong milyon ang may sakit na diabetes, marami sa bilang na ito ay hindi pa alam na may sakit na sila. Para sa mga naka-insulin, mahal ang pang-araw-araw na gaumtan. Kung magiging matagumpay ang oral na insulin at mabebenta sa merkado ng mas mura, malaking tulong ito hindi lang sa bulsa, kundi sa ginhawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with