^

PSN Opinyon

Highest form of treason

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAISULAT ko na ang paksang ito bago maupo si Pa-ngulong Digong Duterte. Pero tila natatabunan ang usapin dahil sa matinding giyera ng administrasyon laban sa droga.

Ito ay ang paghakot umano ng China ng lupa mula sa dalawang bundok sa Zambales na ginawang panambak sa artificial island na ginawa  sa West Philippine Seas.

Reklamo tayo nang reklamo sa ginagawang pagsaklaw ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas tapos mula pala sa ating bansa ang ginamit na panambak sa itina-yong pekeng isla! Paano nangyari? May nagbenta sa China sa dalawang bundok para makapaghakot ng lupa!

Sisiyasatin na ng Senado ang isyung ito na para sa akin ay isang mataas na antas ng kataksilan sa bayan ng kung sino mang opisyal sa nakalipas na Aquino regime na nagpahintulot sa China na maghakot ng lupa sa loob ng Pilipinas. Masyadong napako ang atensyon sa drug war ng Duterte administration kaya pagunita lang na pag-ukulang pansin ito at usigin at panagutin ang sino mang dapat managot.

Mabuti na ring matalakay ang usaping ito sa Senado para  matuon ang usapin sa kamalayan ng publiko at gumawa nang kongkretong aksyon ang pamahalaan. Sa isang resolusyon na inihan ni Senador Panfilo Lacson, sinabi niya na dapat magkaroon ng panuntunan upang hindi na muling maulit ang nabanggit na pangyayari. Batid natin na in aid of legislation lang ang pagsisiyasat pero dapat pumasok na ang Department of Justice upang tukuyin ang mga opisyal na dapat ihabla sa pangyayaring ito.

 Narinig na nating nagbabala si Duterte sa China na magiging madugong sagupaan sakaling maisipan ng China na lusubin ang Pilipinas.  Mantakin ninyong 3,500 ektarya sa West Philippine Sea na terirtoryo natin ang inagaw ng China? At nakapanggigigil malaman na may mga public officials na Pilipino na lumalabas na nakipagsabwatan sa mga Intsik para isakatuparan ng China ang pananakop sa ating bansa.

Sabi nga ni Lacson, “There is a need to account for the personalities behind (these) highly anomalous, illegal and treacherous acts that tend not only to destroy our environment, but also make a mockery of our laws to the prejudice of the Filipino people and constitute a possible breach of our national security.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with