^

PSN Opinyon

Isyung hindi maiiwasan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NANGAKO ang China na tutulong sa pag-aresto ng mga drug lords na Tsino, na madalas banggitin ni President Rodrigo Duterte. Kaya hindi sila mahuli ay dahil nasa China umano, pero sila ang nasa likod ng pagpapadala ng mga iligal na droga sa bansa. Humi­ngi ng impormasyon ang ambassador ng China sa bansa hinggil sa mga hinihinalang Chinese drug traffickers, para magawan nila ng aksiyon. Makikipag-ugnayan ang mga otoridad ng Pilipinas at China para magtulungan sa pagsugpo ng iligal na droga.

Alam natin na mahigpit din ang mga batas ng China laban sa iligal na droga. May parusang kamatayan ang China para sa mga lalabag sa mga batas kontra droga. Pero ganun pa man, patuloy ang paglaganap ng iligal na droga. Ayon kay Duterte, ang mga droga ay galing China, Hong Kong at Taiwan. Kaya nais makipagpulong sa China para malaman kung paano nagiging laganap ang pagpapadala ng suplay ng droga sa bansa. Maganda ang usaping ito. Pero paano kaya kapag binanggit na rin ang isyu ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa China?

Kailan lang ay nagbabala si Duterte na kung sakaling lusubin ng China ang Pilipinas, magiging madugo ito. Kahit alam ng China na mas malakas ang kanilang puwersang militar, hindi magiging madali para sa kanila na angkinin ang teritoryo ng bansa. Hindi malinaw kung anong teritoryo ang kanyang tinutukoy, kung ang mga islang pinagtatalunan tulad ng Pag-asa Island, Ayungin Shoal at Panatag Shoal. Hindi naman siguro iniisip ng China na lusubin ang Pilipinas mismo. Talagang nagkakamali sila niyan.

Hindi pa talagang ginagamit ng administrasyong Duterte ang pagkapanalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration, para wala na munang gulo, ika nga. Pero darating at darating ang araw na kailangang patuparin ito, at ipinaglaban naman ng bansa sa maayos na paraan. May ilang bansa rin sa rehiyon na gagamitin din ang desisyon para sa kanilang sariling pag-aangkin sa ilang isla sa karagatan. May batayan na, ika nga. Sa kabila ng tulungan, pakikipag-ugnayan sa China para sa ilang isyu tulad ng iligal na droga, ang isyu ng teritoryo at karapatan sa ating Exclusive Economic Zone ay hindi maiiwasan. Kung may mga planong pag-uusap para maayos ang mga gusot, dapat gawin na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with