^

PSN Opinyon

Pagkatalo sa Rio, pampakumbaba

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAY pulitika sa sports. At hindi lang ito ang pulitika ng palakasan sa mga opisyales kaya nawawasak ang sports development ng Pilipinas. Mas malawak ang tinutukoy kong pulitika -- ang epekto ng sports sa isang bansa.

Ihalimbawa ang mga kapit-bansa sa ASEAN kung saan merong malaking sports complex sa bawat distrito. Bata pa ay hinahasa na ang mamamayan nila sa sports. Masigla ang kompetisyong amateur at propes­yonal. Sumisigla ang tao. Humahaba ang buhay. Kamakailan kinumpara ko sa atin ang karaniwang life­span ng lalaki at babae nila:

            Haba ng buhay       Lalaki           Babae

            Pilipinas                  65.5                72.6    

            Malaysia                  72.0                77.7

            Indonesia                69.9                75.2

            Thailand                  71.2                77.8

            Singapore                82.1                87.5

            Vietnam                   70.7                75.9

Meron ding epektong pulitika ang sports -- sa lakas mismo ng bansa. Nasupalpal ang kayabangan ni Hitler­ sa mismong 1936 Berlin Olympics. Ipinaggigi­itan niya noon ang umano’y angking paghahari ng lahi nilang Aryan -- mga puti ang balat, blond ang buhok, at asul ang mata. Pero nilampaso ng African-American na Jesse Owens ang track and field athletes ng Germany, Europe, at America.

Nu’ng kasagsagan ng Soviet Union tinustusan nang husto ng Russia at mga bansa sa Eastern Europe ang kani-kanilang sports. Nagpapanalo nga ang mga atleta nila sa international competitions, pero nagsisilayas din sa unang pagkakataon. Napahiya sila sa mundo.

Nitong buwan sa Rio Olympics dinurog ng US men’s basketball team ang China, 119-62. Tiyak kukutyain ng mamamayang Tsino ang mga komunistang pinuno nila dahil sa nakakahiyang pagkatalo.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with