^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isunod ang mga corrupt sa DENR

Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang sa LTO, LTFRB, BOC at BIR may corrupt na opisyal, maski sa Department of Envi­ronment and Natural Resources (DENR) ay mayroon din at nabibilang na ang kanilang araw, ayon mismo kay Sec. Gina Lopez. Isasailalim na sa imbestigasyon ang mga corrupt sa nasabing tanggapan at kapag napatunayan, masisibak sila sa puwesto.

Maraming environmentalists at mining advocates ang nasiyahan at natuwa sa ipinakitang tapang ni Lopez para magsagawa ng reporma sa tanggapan. Sabi pa ni Lopez nang magsalita sa mga environmentalists sa DENR Central Office sa Quezon City noong Miyerkules na aaksiyunan niya ang lahat nang reklamo laban sa mga corrupt sa tanggapan. Isa sa mga inirereklamo ng mga environmentalist ay ang dating Mines and Geosciences Bureau director na si Leo Jasareno.

Marami nang sinira ang mga illegal miners at walang ginagawa ang mga dating namumuno sa DENR. Hinayaang masira ang mga bundok. Halimbawa sa mga ito ay ang kabundukan sa Compostela Valley at ilang bahagi ng Davao Oriental. Dahil sa illegal na pagmimina, butas-butas na ang mga bundok sa mga nasabing lugar. Parang sungkaan ang tuktok ng mga bundok.

Hindi malilimutan ang sinabi ni Secretary Lopez, makaraang hirangin ni President Rodrigo Duterte na pamunuan ang DENR, “I don’t like mining, the foreigners and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.” 

Nasisira ang kapaligiran dahil sa ginagawang pagmimina. Hinuhukay at binubutas ang mga bundok nang walang pakundangan. At ang ugat ng mga nangyayaring ito ay hindi masawatang corruption sa tanggapan. Pero ngayong nangako si Lopez ng reporma, maaaring mawakasan na ang corruption.

Imbestigahan din sana ang nauna nang report ng Commission on Audit, na P7-bilyong pondo para sa tree-planting project ng DENR ang nasayang. “Unsuccessful” umano ang nangyaring tree-planting­ project na dapat sana ay gagawin sa 10 rehiyon sa bansa. Pero dahil kulang sa sistema at walang pag-monitoring sa project ang DENR, nasayang lang ang malaking pondo.

Isunod na ang mga corrupt sa DENR.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with