^

PSN Opinyon

Dagdag sa tala

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI mamamatay-tao ang pulis. Ito ang madamdaming iginiit ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa sa pangalawang araw ng pagdinig ng Senado sa tila walang-tigil na “extrajudicial killings” (EJK) sa bansa. Sila ay hindi mga “butcher” at ang kanilang tungkulin ay magbigay ng serbisyo at proteksyon sa mamamayan. Walang argumento riyan, at walang mas gustong maniwala sa pahayag na iyan kundi ang buong mamamayan. Iyan naman talaga ang inaasahan sa kapulisan. Pero ang isyu nga ay ang ilang mga insidente kung saan kahina-hinala ang pagpatay sa mga suspek na hawak na ng mga pulis.

Tulad ng dalawang insidente na iniharap sa Senado noong Lunes. May ebidensiya na hindi naman nanlaban ang mga suspek pero pinatay pa rin. May testigo naman na ang mga pulis Antipolo mismo ang sangkot sa droga, at pinatay na ang kanilang “asset” bago mahuli. Ito ang mga insidente na dapat tugunan ng PNP. Habang isinusulat ko ang column na ito, may video na lumabas kung saan isang pedicab drayber ang tila nagmamakaawa at sumusuko na sa mga pulis, pero binaril pa siya. May mga sumisigaw pa sa labas ng tahanan na huwag nang saktan ang suspek. Ayon naman sa pulis Pasay, nanlaban daw kaya binaril. Ipinaabot na sa CHR ang insidente. Malalaman na lang sa video kung ano nga ang nangyari.

Ito ang mga insidente na ayaw nating makitang nangyayari. Kung madamdamin ang pahayag ni Dela Rosa na hindi mamamatay-tao ang pulis, mas ayaw nating makakita ng mga video tulad nito. Nagtatanim lang ng duda at takot sa sambayanan. Kung sumusuko na nga ang suspek at hindi armado tulad ng sabi ng mga nakasaksi, sana aksyunan naman ng tama ng PNP ang kanilang tauhan.

Hindi madali ang laban sa ilegal na droga. Sa katunayan nga, ilang bansa tulad ng Thailand ang nagsigawa ng kani-kanilang mga “digmaan laban sa droga”, na sa kinalaunan ay libu-libo nga ang napatay, pero hindi rin natigil ang droga. Sa ngayon, tila walang magagawa ang lahat kundi hintayin na lang ang susunod na balita ng nanlaban na suspek, o madiskubre ang isa na namang bangkay na may karatula, na dagdag sa tala ng mga napapatay na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with