^

PSN Opinyon

Bawas sa pagkain ng instant noodles at pancit canton

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

MAG-INGAT po sa instant noodles. Baka kayo ay tumaba, ma-high blood at magka-diabetes.

Alam kong paborito ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang instant noodles at pancit canton dahil mura, mada­ling lutuin at masarap. Pero may mabuting naidudulot nga ba ito sa ating kalusugan?

Heto ang aming research:

1. Mataas sa fat at sodium (asin) content ang mga instant noodles at pancit canton. Ang isang pakete ng pancit canton ay nagtataglay ng 600-900 mg ng sodium. Mataas ito dahil ang recommended na sodium na dapat makain sa isang araw ay 1500 mg sodium.

2. Maraming saturated fat at trans fats ang instant noodles. Posible na makapagpataas ito ng cholesterol na maaaring magdulot ng sakit sa puso at type 2 diabetes.

3. Nakakataba rin ang pagkain ng puro instant noodles. Puno ito ng carbohydrates at kulang sa protina at sustansya.

4. Ayon sa pag-aaral ng Harvard School of Public Health sa Boston, ang pagkain ng instant noodles ng at least dalawang beses sa isang linggo ay nakakapagpataas ng risk ng metabolic changes na nagdudulot ng sakit sa puso at stroke.

5. May isang pag-aaral sa South Korea na nakitang ang mga babaing kumakain ng instant noodles ay mas mataas ang risk na magkaroon ng diabetes, stroke at heart disease.

6. Ayon din sa pag-aaral ng isang gastrointestinal specialist sa Massachusetts General Hospital, nahihirapan ang katawan natin na idigest o gilingin ang mga instant noodles. Matagal bago ma-digest ng ating bituka ang instant noodles.

Heto po ang payo namin: Puwede namang kumain ng instant noodles. Pero limitahan sa 2 beses lang bawat linggo. Huwag araw-arawin. Ingat po.

(Note: Salamat kay Ourlad Tantenco sa pagtulong sa research.)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with