^

PSN Opinyon

‘Hanap-butas’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NALALAGAY ngayon sa sentro ng kontrobersiya ang Philippine National Police.

Idinidiin na nasa likod ng extrajudicial killings sa pakikipaggiyera kontra droga.

Iisa ang kanilang sinasabi. Mapa-United Nations, CHR, iba’t ibang sektor sa lipunan at mga oposisyon sa Senado at Kongreso. Bago pa man sila magsalita, may sarili na agad silang mga konklusyon.

Paglilinaw. Wala akong ipinagtatanggol. Hindi rin ako mouthpiece ng Palasyo. Ito ay pag-aanalisa at paghihimay lang sa mga isyu.

Buti pa si Sen. Panfilo Lacson, hinikayat at gustong palakasin ang puwersa ng pulisya. Huwag daw silang mawawalan ng gana kahit kaliwa’t kanan ang imbestigasyon ng Senado sa kanila.

Bilang dating PNP chief, naiintindihan ng senador ang mga operasyon ng ahensiya. Ngayon lang daw siya nakakita ng administrasyon na walang puknat ang kampanya kontra ilegal na droga.

Kung kay Sen. Alan Peter Cayetano pa, media at mga human rights advocate lang naman daw ang hindi pumapansin sa mga positibong epekto ng anti-drug campaign.

Subalit itong si Sen. Antonio Trillanes, PMA’er pa namang naturingan parang isang demonyong bumubulong kay Gen. Ronald Dela Rosa.

Binibigyan ng pagdududa ang chief PNP para suwayin ang utos ng presidente. Gusto niya pa ‘atang itulad sa kanya na maging isang ‘kudeta.’

Gawin na lang daw ng heneral kung ano ang tama. Hindi naman daw itinuro sa kanila sa academy na gawin ang ilegal at mali.

Hindi pa man napapatunayan na mayroong extrajudicial killings at ang nasa likod ay PNP, may solidong panghuhusga at akusasyon na si Trillanes.

Habang isinusulat ang kolum na ito, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Committee on Justice and Human Rights sa senado.

Talagang isinusulong ang senate investigation ‘in aid of legislation’ para humanap ng butas sa gyera kontra droga. Ang maliit na isyu, pinalalaki. Ang malaki, pinaliliit.

Inuulit ko. Hindi ako enabler ng administrasyon.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with