^

PSN Opinyon

Hindi pala opisyal na imbitasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI pala opisyal na inimbitahan ang UN na magtungo sa bansa para makita nila mismo ang masamang sitwasyon ng iligal na droga. Ito ang opisyal na pahayag mula sa tagapagsalita ni Presidente Rodrigo Duterte. Sa katunayan­, hindi kinagigiliwan ng bansa ang “pakikialam” ng UN sa kapaka­nan ng bansa, at sa kasalukuyang digmaan ni Duterte sa ilegal na droga. Hindi kasi ikinatuwa ang mga pahayag ng dalawang opisyal ng UN sa dumadaming “extrajudicial killings­”. Tinanggap kasi ni UN Special Rapporteur on Summary Executions Agnes Callamard ang tila imbitasyon ni chief legal counsel Salvador Panelo na pumunta sa bansa para makita mismo ang sitwasyon. Hindi pala opisyal na kata­yuan iyan ng Palasyo, kaya sigurado may magpapaliwanag­ na naman. Madalas nang mangyari ang ganitong sitwas­yon. May sasabihin ang isang miyembro ng Gabinete o ang Presidente mismo, tapos may magsasabi na hindi pala, huwag seryosohin at nagpapatawa lang. So hindi na siguro matutuloy ang pagpunta rito ng UN, kung hindi rin pala sila malugod na tatanggapin.  

May epekto naman kaya ito sa bansa? Ang Pilipinas ay miyembro ng General Assembly ng United Nations Human Rights Council hanggang 2018. Ang isyu na ikinababahala ng UN ngayon ay ang paglabag sa karapatang pantao dahil sa dami na ng mga nagaganap na “extrajudicial killings” sa bansa. Kaya ano ang sasabihin ng UN kung ang miyembro ng nasabing general assembly ay ayaw magpasiyasat sa mga nagaganap na patayan, na resulta lang umano ng “drug war” ni Duterte? 

Napapansin na nang maraming ahensiya sa mundo ang dami ng bilang ng “extrajudicial killings” sa bansa, na patuloy pa rin ang pagtaas. Napapansin din ang tila basbas ni Duterte, basta’t may kaugnayan sa kanyang laban sa ilegal na droga. Sana naman huwag mabilang ang Pilipinas sa mga bansa na lumalabag na sa karapatang pantao, tulad ng North Korea, Syria, at mga bansa sa Africa at Gitnang Silangan. Hindi iyan ang imahe na gusto nating ipakita sa mundo. Ang gustong imahe ay mapayapa, ligtas at masaya, para puntahan ng mga dayuhang bisita. Hindi makakatulong ang imahe ng mga natatagpuang bangkay kung saan-saan na may nakasabit na karatula na sila’y pusher o adik na hindi dapat tularan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with