^

PSN Opinyon

Bayani ng panahon, biktima ng kalimot

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGDURUGO ang puso ng mga matatandang aktibista na lumaban sa diktadurya at pangungulimbat ni Ferdinand Marcos. Ililipat na ang mga labi niya sa Libingan ng mga Bayani. Maski na bang ang dahilan dito ay dati kasing Pangulo at sundalo si Marcos, may pag-aagam-agam ang mga nagsakripisyo makibaka noon, at ang pamilya ng mga nagbuwis ng buhay. Nag-aalala sila na bale-walain na kalaunan ang mga kasalanan ni Marcos at itrato itong bayani kaya doon nakalibing. Samantala, mababaon sa limot ang kanilang pagpapakasakit.

Gan’un din kaya ang naramdaman ng ating mga lolo na lumaban sa mga Hapon nu’ng World War II? Nalumbay din ba sila nang, nu’ng panahon ni Marcos, pumayag ito sa pagtayo ng mga bantayog ng mga sundalong Hapon sa iba’t-ibang probinsiya? Namatay ba silang malumbay na hindi nabibigyang-halaga ang kanilang dinaanang hirap para mapanatili ang Kalayaan?

Tila bale-wala na ang naramdaman ng mga ninuno natin. Gayundin, ang damdamin ngayon ng mga uugud-ugod na’t sakiting aktibista. Wala na sa alaala ng kasalukuyang hene­rasyon ang malagim na panahon ni Marcos.

Kung tutuusin, isa sa maysala sa nangyaring pagkalimot ay si dating President Noynoy Aquino. Ang ama niyang si Ninoy ang isa sa pinaka-kinawawa ni Marcos: binartolina, pinalayas sa bansa, pinatay. Pero hindi inarok ni Noynoy ang mga tunay na nagpapatay sa sariling ama. Mas malala, hinayaan pa niya ang pang-aapi at pangungulimbat ng malalaking politiko na kaibigan niya. Sa pagkamuhi ng madla kay Noynoy, pumapayag na rin sila na itaas naman ngayon si Marcos.

Gan’un ba ang pagsisilbi sa bayan? Kanya-kanya lang ba itong panahon ng paggunita, imbis na panghabambuhay ng Republika?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with