^

PSN Opinyon

Rehabilitasyon ng Laguna Lake

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINIMULAN na ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagbaklas ng illegal fishpens sa Laguna de Bay. Nasa 100 ektarya ang binaklas. Lumalabas na ilang beses nang nagpalit ng may-ari ang nasabing fishpen na hindi nagpapaalam sa LLDA. Pinuna ni President Rodrigo Duterte ang sumisikip na Laguna Lake, na nakikita raw niya kapag nakasakay ng eroplano. Ayon sa LLDA, may nakalaang siyam na libong ektarya para sa aquaculture o ang pagpapalaki ng mga isda tulad ng bangus at tilapia. Pero sa ngayon, 12,000 ektarya ang tinatayuan ng sari-saring laking fishpen na pag-aari ng mga korporasyon o indi­bidwal na tao. Nasa 90,000 ektarya ang laki ng Laguna Lake. Base sa rekords ng LLDA, 358 ang bilang ng mga lehitimong may-ari ng mga fishpens.

Kung susundan ang patakaran ng LLDA, kailangang baklasin ang tatlong libong ektar­yang fishpens sa lugar, partikular mga iligal o may kuwestyonableng papeles o per­mit. Kung paano lumobo ng 12,000 ektarya ay tila hindi mapaliwanag ninoman. Kapag masyado nang masikip sa Laguna Lake, hindi na rin ito maganda sa pagpapalaki ng isda dahil nauubos ang oxygen at pagkain sa tubig. Ang mangyayari ay babagal din ang paglaki ng isda, kaya hindi rin maganda para sa negosyo. Hindi rin nakakatulong na napakasama na ng polusyon sa LLDA, dahil na rin sa mga komunidad na nakatira sa baybayin nito. Isa rin itong isyu na dapat tugunan ng LLDA at DENR, hindi lang mga fishpen, kung talagang seryoso sa rehabilitasyon ng Laguna Lake.

Ang Laguna Lake, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas, at pangatlong pinakamalaki sa Timog Silangang Asya. Ito ang pinakamalaking pinanggagalingan ng tubig-tabang para sa maraming lugar sa Metro Manila. Kaya mahalaga ay hindi mamatay ang lawa, na puwedeng maganap kapag sumobra na ang polusyon at burak. Ibig sabihin, pati mga isda ay hindi na mabubuhay doon. Kailangang maintindihan ng mga tao na hindi pwedeng abusuhin ang kalikasan. Kapag inabuso, mas masama ang epekto sa ating lahat. Ano na ang mangyayari kapag hindi na talaga puwedeng magpalaki ng isda roon, o kaya sa sobrang polusyon ay hindi na mapapakinabangan ang tubig? Sino ang talo sa sitwasyon na iyan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with