^

PSN Opinyon

Kabutihang dulot

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

ISANG bagay ang nais kung bigyang pansin sa patuloy na anti-illegal drug campaign ng Duterte administration. Ito ay ang sinasabi ng mga awtoridad na may higit 100,000 nang drug addict at drug pushers  ang sumurender simula noong June 30 nang nagsimulang opisyal na nanungkulang presidente si dating Davao City Mayor  Rodrigo Duterte. 

Kung tutuusin  malaki ang pakinabang ng mga local communities, lalo na ng mga barangay sa pagsuko ng mga drug addict at drug pusher na ito na kusang pupirma ng kasulatan na hindi na sila uulit sa ganoong gawain.

Isa ito sa tingin ko ay epektibong pamaraan na kahit paano ay masusugpo ang problema sa ilegal na droga lalo na sa mga kabataan natin.

Kasi nga sa kanilang pagsuko at boluntaryong pag-amin na gumagamit nga sila ng ilegal na droga ay nagkaroon ngayon ng sapat na  impormasyon ang locality o ang barangay sa kung sinu-sino ang mga gumagamit nito sa area nila.

Kaya ngayon ay hindi na mangangapa ang local officials sa pag-identify kung sinu-sino yong may mga problema sa ilegal na droga.

At kung anumang intervention ang gagawin ng lokalidad o ng pamahalaan ay madaling maisakatuparan dahil nga kilala na kung sinu-sino sila. 

Ibig sabihin din nito na hindi gaya ng dati na panay haka-haka lang at akusasyon na kesyo si ganito o si ganun ay gumagamit o nagtutulak, ngayon ay hindi na makatatanggi ang sinumang masangkot uli sa anong gulo kaugnay sa ilegal drugs dahil nga may pinirmahan na silang pag-amin at pangako na lalayo na sila sa ganung bisyo.

Totoo napakalaking problema ang ilegal na droga ngunit mabuti na ‘yung kahit paano nagsimula tayo kahit man lang sa maliit na hakbang gaya ng pagsuko at pag-amin ng mga gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with