Paano ba ang mangarap?
Paano ba ang umibig
Nang matapat at lubusan
Samantalang natatakot
Yaring puso na magmahal?
Paano ba ang mangarap
Ng ligayang walang hanggan
Samantalanag yaring diwa’y
Ni ayaw humabi kahit panagimpan?
Paano ba hahangaring
Yaong langit ay maabot
Gayong ikaw Mutya
Ay lagi nang nagdaramot?
Ng ‘Oo’ mong matagal
Nang pangarap ko’t inaamot
Pagka’t ikaw sa dampa ko
Ay ni hindi sumisipot?
Paano ba nanaising
Ang buhay ko ay lumawig
Gayong ikaw sinta
Nang makita ay nawaglit
Bakit ko pa hahangaring
Ikaw mutya’y makaniig
Gayong ako sa puso mo
Ay naglaho ng daigdig
Paano ba ang mangarap
Na tayo ay mag-iisa
Sa dambana ng simbahang
Magbubuklod-kaluluwa?
Paano ba? Paano ba?
Tayong dalawa’y magkikita
Samantalang nang magising
Ay pangarap ka lang pala?
- Latest