^

PSN Opinyon

Patung-patong na krimen

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAARESTO na si Vhon Tanto, ang Philippine Army reservist na pangunahing suspek sa pagpatay kay Mark Vincent Garalde. Naaresto siya sa Masbate noong Biyernes at dinala sa Manila Police District (MPD) kahapon.

Kuhang-kuha sa CCTV ang buong pangyayari. Muntik nang mabangga ni Tanto ang sinasakyang bisikleta ni Garalde, sa suntukan humantong dahil sa mainit na sagutan, hanggang kunin ni Tanto sa kanyang sasakyan ang baril at limang beses pinaputukan si Garalde. Natagpuan ang kanyang sasakyan sa bahay ng kanyang bayaw sa Nueva Vizcaya. Nag-bus na lang daw pabalik ng Maynila si Tanto. Naglabas naman ng P100,000 pabuya si Mayor Estrada para sa paghuli kay Tanto, at may “dead or alive” na utos na rin para sa kanya dahil armado. 

Wala raw karapatang magdala ng baril si Tanto dahil hindi naman aktibo sa serbisyo ng Philippine Army (PA). Kinondena ng PA ang krimeng ito at nangako na tutulong sa paghahanap at imbistigasyon kay Tanto. Sa aking pagkakaalam ay hindi pa tinigil ang Comelec gun ban, kaya kung walang pahintulot na magdala ng baril, isang kaso na naman iyan. Dahil wala sa aktibong serbisyo, hindi ang AFP ang magsasampa ng kaso laban sa kanya kundi ang gobyerno. 

Hindi lang si Garalde ang biktima ni Tanto. Natamaan ng ligaw na bala si Rocel Bondoc, 18-anyos na estudyante at iskolar ng siyudad ng Maynila. Mabuti na lang at hindi siya namatay. Kaya nangako si Mayor Estrada na tutulong sa kanyang mga pangangailangan para makabalik sa paaralan. Patong-patong na krimen ang hinaharap ni Tanto. Kaya ba naglabas ng baril ay dahil natalo sa suntukan? O may pagka-kriminal talaga?

Ngayong  sumuko na si Tanto, mabibigyan pa siya ng pagkakataonh dinggin ang kaso sa korte. Ikumpara ito sa mga pinatay na lang ng mga vigilante diyan, na walang kalaban-laban. Ni hindi pa nga sigurado kung sangkot talaga sa droga ang ilang biktima, lalo na kung wala naman sa “listahan” ng PNP. Itong si Tanto, nakunan na nga sa CCTV na pumapatay ng tao at may nadama pang inosenteng mag-aaral, pero mabibigyan pa ng tamang proseso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with