^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon ng dengue

Pilipino Star Ngayon

PANAHON ng tag-ulan ngayon at panahon din nang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Ni-report ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau na mula Enero hanggang Hunyo 25 ng taong kasalukuyan, 57,026 kaso ng dengue ang naiulat. Mas mataas ito kumpara sa 42,026 na kaso ng dengue noong nakaraang taon. Ayon pa sa report, 248 na ang namatay.

Mataas ang kaso ng dengue sa Calabarzon (13.1 per cent); Central Visayas (10.1 percent) at Central Luzon (9.7 percent).

Sa Baguio City, may 1,800 na kaso ng dengue ang naitala.

Sa kabila na mayroon nang bakuna para sa dengue, hindi pa rin mapigilan ang pagtaas ng bilang. Patuloy sa pananalasa ang Aedes Aegypti na nagdadala ng dengue. Madaling makikilala ang Aedes Aegypti dahil sa batik-batik na katawan. Sa araw ito nangangagat at mga bata ang karaniwang nabibiktima.

Ang pagiging malinis sa kapaligiran ang susi para mapigilan ang dengue. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sasakyan, mga paso ng halaman. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito naninirahan ang lamok. Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat (rashes) pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat pang paigtingin ng Department of Health (DOH). Magbigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo na ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran. Habang maaga, ipamulat na sa mga bata ang kahalagahan ng paglilinis sa kapaligiran upang walang mabuhay na mga lamok. Nasa kamay ng mamamayan ang kasagutan para walang mamatay sa dengue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with