^

PSN Opinyon

Tapusin ang pamumulitika sa agrikultura

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SIGURO naman tatahimik na ang mga reklamador na nagsasabing masama ang mga ‘Genetically Modified Organisms’ o GMO.

Dapat na kasing maisulong ang paggamit ng marami pang ma­kabagong teknolohiya na ang basehan ay agham at hindi nang kani-kaninong interes lang kung tuluy-tuloy na sa pag-unlad ng ating agrikultura.

Ang Korte Suprema na mismo ang nagbasura sa Writ of Kalikasan laban sa pananaliksik sa kontrobersiyal na ‘BT talong’ na isinagawa ng UP Los Baños na muntik nang maudlot dahil sa petisyon ng dayuhang Greenpeace at ng galamay nitong magsasaka at siyentipiko sa pagpapaunlad ng agrikultura.

Dapat lang na magkaroon naman tayo ng mga makabagong uri ng talong at marami pang mga pananim na may panlaban sa mga peste sa pamamagitan ng genetic engineering.

Sa Bangladesh, pitong uri na nito ang nasa merkado gayung sabay lang halos ang pananaliksik ng ating siyentipiko sa mga genetically modified na talong.

Sa Bangladesh kasi, hindi nagdalawang isip ang madlang people na suporthan ang kanilang pamahalaan sa pagpapayabong teknolohiyang GMO dahil pangunahing pagkain nila ang talong, na kanilang tinatawag na brinjal.

Sabi nga, ng mga taga -UPLB, sa atin pa sumangguni ang kanilang pamahalaan para sa regulatory requirement dahil tayo na ang isa sa mga unang bansa sa Asya na nag-commercialize ng GMO.

Sa panahon nga mismo ni dating Agriculture Secretary Prospero Alcala  na kilalang may-akda ng batas sa organic farming ang pagkakaroon ng sapat na supply ng yellow corn dahil sa pagyabong ng mga  GMO corn sa Philippines my Philippines.

Pinatunayan lang ni Alcala na dapat palawakan ang anumang teknolohiya -- tradisyonal man o makabago—kung ang mga ito ay makakatulong.

Hayaan natin ang mga magsasaka ang humusga kung ano ang kanilang gustong gamiting pamamaraan matapos silang gabayan ng pamahalaan sa  mga  pamamaraan ng wastong pagsasaka.

Sa pagpasok ni Agricuture Secretary Manny Pinol, inunahan na niya tuloy ang mga reklamador, at sinabing sisiguraduhing niya ang pagpapalawak ng mga makabagong teknolohiya para mapalakas ang sektor ng pagsasaka sa ating Philippines my Philippines.

Siyempre, ayaw ng bagong kalihim na pulutin na lang sa kangkungan o sabsaban dahil ipinangako ni Boss Digong na pipilitin nilang maisaayos ang pagkain ng bawat Pinoy sa kanilang hapag-kainan.

Kaya nga naisumbong tuloy ng  isa nating kuwago sa Department ng Agriculture na biglang tumahimik ang isang bagong sulpot na opisyal doon na putak nang putak laban sa GMO.

Natawa nga na lang daw ang maraming mga beteranong kawani dahil kung anu-ano ang pinagsasabi nitong gayong galing sa agrikultura, ni wala namang kahit kaalaman sa malawakang pagsaka kundi sa pagpapalago lang ng orchid na para sa mga mayayaman. Hehehe!

Sabagay magandang negosyo ang cut-flowers ng orchid, pero hindi naman ito puedeng maihain sa hapag kainan. Kahit siguro ang mga kumakain ng damo, hindi papatulan ang mga halamang ito.

Pero itong BT talong ay tiyak na makakatulong sa programang pangkain ng madlang pinoy dahil ito ang isa sa pinakamahalagang gulay sa atin tulad ng Bangladesh.

Arangkada na sana ito kundi lang napulitika ng mga reklamador na nagpapanggap na mga environmentalist at scientist kundi man mga magsasaka para lang maisulong ang kanilang ikinabubuhay na adbokasya laban sa mga GMO.

Dati-rati halos maniwala ako na ang  walanghiya ay mga multinational company na nagpasok ng GMO sa Philippines my Philippines. Buti na lang nakita ko kung paano ang BT corn ay nakatulong sa pagunlad ng maraming komunidad ng maisan sa mga kanayunan.

Itong mga reklamador pala ang kumikita ng milyun-milyon dahil nga malaki pala ang pondong ginugugol para siraan ang mga GMO.

Kahit sa US of A, na mas maraming reklamador, ang pamahalaan mismo ang nagsabi na walang masama sa GMO matapos ang deka-dekadang tunggalian ng mga aktibista at magsasakang nagtatanim ng mga GM products.

Ang Korte Suprema na mismo  ang nagsasabing ang mga paninira sa GMO ay mga haka-haka lamang kayat hindi dapat basta-basta na lang natin paniniwalaan.

Nakabuti rin naman ang naging diskusyon sa kaso ng BT eggplant dahil naayos ng pamahalaan ang proseso sa regulasyon ng mga GMO. Ngayon hindi  na lang DA ang may responsibilidad kundi marami nang departamento.

Hindi naman ito “red tape” kundi dapat lamang na laging masigurado na safe at nakakabuti ito sa ating kalikasan. Matagal kasi ang pananaliksik dito para masigurong garantisado ang produkto.

Tama rin lang naman na ang  bagong produkto ay dapat dumaan sa tamang proseso dahil sa rami ng mga “fly-by-night” na kumpanyang naglalako ng mga pekeng pagkain at agricultural input sa ating mga maliliit na magsasaka.

Nasa poder na ngayon ni “Mighty Manny (Pinol)” kung paano isusulong ang mga nararapat na programa para hindi na mapulitika ang sector ng agrikultura.

Abangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with