^

PSN Opinyon

Illegal vendors buwag na!

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

LUPAYPAY ang balikat ng mga ‘tong kolektors’ ng Phi­lippine National Police, Metro Manila Development Authority at City Hall Department Units matapos buwagin ang sidewalk vendors sa mga kalye sa Metro Manila, hehehe! Nalusaw kasi ang datung ng mga gahaman. Ito ang bunga ng kautusan ni Pres. Rodrigo Duterte na linisin ang mga kalye upang lumuwag ang daloy ng trapiko. Habang niluluto ang emergency power ni President Rody sa House of Representatives at Senado nag­kanya-kanyang pasiklab ang mga Metro Manila mayors sa takot na mahambalos at mapahiya.

Halos lahat nang tabakuhan ay winasak ng mga alipores ng mga mayors mula sa Department of Public Safety (DPS) City Hall Detachment at siyempre hindi pahuhuli sa eksena ang mga pulis na sumasakop sa mga puwesto ng illegal vendors. Kaya nagsusumigaw ang mga apektadong vendors na winalis sa bangketa dahil nagbabayad sila ng arawang intelihensiya sa mga dorobo. Kaya ang lumuluha ngayon ay itong mga ‘tong kolektors’ dahil hindi na nila kayang punuan ang linggu­hang intelihensya sa kanilang mga ‘amo’ sa City Hall at police units. Ngunit kung lumuluha man itong mga ko­lektor, nakangiti naman ang sambayanan dahil bahagyang lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Kung dito nga sa Maynila mga suki, nagpasalamat itong mga negosyante sa kahabaan ng C. M. Recto, Divisoria matapos matibag ang Erap stall na tumatabing sa kanilang puwesto ng may tatlong taon. Ngayon ay sumigla ang negosyo dahil direkta nang nakakapasok sa kanilang puwesto ang mga mamimili. Ngunit kung nabuking man ni President Rody ang tabakuhan ng Metro Manila mayors mukhang nasasaling na rin ang P1.5 bilyon budget ng MMDA. Kasi nga mukhang walang nangyari sa naturang budget na mapaluwag ang trapiko. Ito na kaya ang simula ng paglilinis at pagkakabkab ni President Rody sa budget na nalustay sa mga nagdaang administrasyon.

Mapapadali lang kay President Rody ang paghalungkat sa mga baho ng mga nagdaang administrasyon dahil na rin sa paglundag ng ilang politiko na siyang maggigiya sa paghalungkat ng mga tagong baho. Tunay na makamandag ang laway ni Duterte sa lahat nang naging Presidente ng Pinas dahil lahat  ng kanyang  pinuntirya ay naisakatuparan. Walang pinagkaiba ‘yan sa kanyang krusada sa droga na kung saan daan na ang napapatay at libo na ang sumusuko dahil sa matigas na kampanya ni PNP chief Ronald ‘Bato” dela Rosa. Kung noon puro buraot lang ang napapatay ng mga pulis ngayon ay sunud-sunod nang tumutumba ang mga pulis na sangkot sa pagpapakalat ng droga. Ang masakit, ay kung bakit ang Supreme Court ay humadlang sa pagpapatupad ng curfew sa Navotas, Quezon City at Manila gayon bumaba na ang krimen dahil nabawasan na ang tambay ng mga kabataan sa kalye. Subalit  sa kabila ng mga reklamo ng ilang residente sa sunud-sunod na pagpatay sa pushers/users marami naman ang sumusuporta kay President Rody.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with