^

PSN Opinyon

Bitayin ang traydor

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAKAPANGGIGIGIL! Iyan ang sisilakbo sa sino mang Pilipino nagmamahal sa bansa sa balitang dalawang kabundukan sa Zambales ang ipinagbili ng kung sino sa China ng nakalipas na administrasyon.

Ang mga bundok na ito ay tinitibag at ang lupa ay hinahakot ng China para panambak sa artificial island na ginagawa sa Scarborough Shoal. Umaabot na sa 3,500 ektarya ang lawak ng artipisyal na pulo na naitayo nila na ang lupa ay nanggaling sa dalawang bundokl! At ngayon nga ay may paliparan na ang China sa naturang lugar para sa mga eroplanong pandigma nito.

Paanong nangyari ang karumal-dumal gawaing ito sa nakalipas na administrasyon? Dapat marahil ay siya­satin diyan ang Department of Environment and Natural Resourcers (DENR) sa ilalim ng pamahalaang Aquino.

Ayon kay Zambales Governor Amor Deloso, sinisiyasat na ang insidenteng ito at ipinahinto na rin ang operas­yon. Hindi rin dapat maglubay ang bagong DENR chief na si Gina Lopez sa pagtuloy sa mga gagong dapat ma­nagot sa ganitong “treason of the highest order.”

Kung puwede lang bitayin ng isandaang ulit ang mga traydor na may kagagawan nito, dapat nga marahil ay iyan ang gawin. Hindi puwedeng  tumalikod sa responsibilidad dito ang nakaraang administrasyon. Malaking katangahan kung sasabihin na ang operasyong ito ay nangyari nang hindi nababatid ng pamahalaan. Tapos maririnig natin hangga ngayon sa ibang “bilib” sa naka­raang administrasyon na ito ang pinakamalinis? Malinis nga siguro. Malinis gumawa ng katiwalian.

Tama si Presidente Duterte sa sinabi sa nakaraan niyang SONA: “Mananagot ang lahat ng mga nagkanuklo sa tiwala ng bansa.” Wala siyang sinabing pangalan pero tingin ko, napakalinaw ng mensahe.

Nakakadismaya na may mga kababayan tayong Pilipino na umuukupa ng puwesto sa gobyerno ang nagbibigay pa ng “bomba” sa China para pasabugin ang bansa.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with