^

PSN Opinyon

Federalism pros and cons

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

BAKIT Federalism? (1) Matutugunan ang pangangaila­ngan ng bawat Rehiyon ng mga mambabatas na ito lang ang tinututukan. Ang pagkakaiba natin sa kultura, relihiyon, lokasyon ay hindi magiging balakid dahil may kanya kanya na tayong angkop na patakaran; (2) Mas mabibigyang awtonomiya ang Muslim Mindanao na magsisilbing daan sa kapayapaan sa rehiyon; (3) Matitigil ang hindi makatwirang distribusyon ng pondo (noong 2015 ay 35% ng National Budget ang napunta sa Metro Manila habang 14% lang ng populasyon ang nakatira dito) at magiging patas ang pag-asenso ng mga rehiyon; (4) Mas maikakalat ang kapangyarihang politikal sa kamay ng higit na maraming tao; (5) Kung sa kasalukuyang anyo ng pamahalaan ay may ilang gastusin na kaila­ngang ang Nasyonal lamang ang mag release (gaya ng pondo sa Yolanda na hinintay pa na irelease sa DSWD gayong maari naman itong idaan sa lokal na pamahalaan), sa Federal Form ay kung magkulang ang Federal government, may poder naman ang rehiyon upang kumilos at gumastos; (6) Ang mga mayaman na Federal countries ay tumutulong sa mga bagong Federal Countries sa training at sa gastos upang magtagumpay.

Bakit hindi? (A) Lalong maglilipana ang Political Dy­nasty. Bigyan ba naman ng mas higit pang pondo at kapangyarihan ang mga rehiyon? Sino pa ba ang lalong yayaman at lalakas?; (2) Lalong lalaki ang pamahalaan. Sa panukala, 75 ang bilang ng Senador, 350 na Kongresista at kanya kanyang mga Comelec, COA, at iba pang opisina ang mga rehiyon; (3) Magkakaroon ng ibat ibang batas na maaring ikalito ng mga mamamayan at maging pahirap sa negosyante; (4) Hindi ganoon kasama ang kasalukuyang anyo ng pamahalaan. Sa katunayan, sa Saligang Batas na ito may pinakaganap ng awtonomiya sa kasaysayan ng bansa. Ang IRA, mula 11% noong 1987 ay inangat sa 40%; (5) Masyadong mahal – aabot ng Trillion ang gagastusin!; (6) Kulang tayo sa paliwanag at karanasan dito. Malamang hindi ito mapangatawanan sa pangmatagalan; (7) Hindi ito solusyon sa Mindanao. Maaring mas magsilbi itong landas patungo sa paghiwalay ng Bangsamoro sa Pilipinas. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with