^

PSN Opinyon

Mamamayan susi kontra katiwalian

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAGTATAGUMPAY lang ang anumang kampanya kontra katiwalian kung kasali ang mamamayan. Alam ‘yan ni President Rody Duterte. Kaya nga inanunsiyo niya ang pagtalaga ng isang dosenang hotlines na tatanggap 24 oras ng mga sumbong ng taumbayan. Isasalaysay ng tipsters ang personal na karanasan kung kinikilan ng suhol, hiningan ng walang-saysay na requirements, o nakasaksi ng katiwalian o kahunghangan sa ahensiya ng gobyerno. Tiyak magbabaha ng sumbong. Araw-araw nabibiktima ang mamamayan ng fixers, mabagal na serbisyo, at kalakarang suhol sa pambansa at lokal na pamahalaan.

Siyempre ang call takers ng Malacañang ay sasanayin sa pagkuha ng tamang impormasyon mula sa tips­ters. Ipapasa nila ito sa mga imbestigador na magbeberipika kung totoo ang sumbong, at may batayan para aksiyunan. Saka ihahabla o paparusahan ang salarin. Mainam ‘yan sa petty graft.

Pero meron din malalaking katiwalian -- pangungulimbat sa masalimuot na paraan -- na kailangan ng higit pa sa hotlines lang. Sa gan’ung mga kaso, kailangan ng mga eksperto, halimbawa engineers o accountants o info-technologists, para masuri ang datos at saliksikin pa ang tip. Maaring kailangan ng proteksiyon ng tipster. At ka­ilangan ng beteranong pulis at taga-usig para bumuo ng solidong kaso. Mas malaking pondo ang kailangan nito.

Sa gan’ung mga kaso, kailangan ng espesyalistang unit. Imbis na tatawag sa Malacañang hotline, maaring mag-text sila ng panimulang impormasyon sa special unit. Kailangan ang namumuno sa unit ay tao walang “sabit.” Ito’y para hindi siya kaya takutin; pagbantaan ang seguridad ng pamilya; at ipitin sa buwis, ari-arian, o negosyo.

Mungkahi ko ito, batay sa karanasan sa investigative journalism.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with