^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Droga at baril

Pilipino Star Ngayon

GALIT si Pres. Rodrigo Duterte sa mga criminal at nagpapakalat ng bawal na droga. Pangako niya, lutas sa loob ng anim na buwan ang problema sa droga’t kriminalidad. Sa kanyang pagsasalita sa kauna-unahang State of the Nation Address noong Lunes, sinabi niyang hindi siya titigil hangga’t hindi nauubos ang kahuli-hulihang drug pushers.

Kahapon, isang pusher ang napatay sa Pasig. Lumaban umano ang pusher kaya napatay ng mga pulis. Dalawang pushers din naman ang napatay sa Sta. Ana, Manila samantalang may napatay din sa Quezon City at Antipolo.

Maliwanag ang kampanya laban sa droga suba­lit tila nakakalimutan din naman na maraming patayan ang nagaganap. Lumalabas sa report na maraming maliit na krimen ang nagaganap at hindi ito nasosolusyunan ng pamahalaan. Dahil sa pagtutok sa droga, hindi na napagtutuunan ng pansin na maraming baril ang nagkalat at nagagamit sa paggawa ng krimen.

Kahapon, isang laundry shop sa Quezon City ang hinoldap ng dalawang lalaking nakamotorsiklo. Naka-helmet ang mga holdaper at tinutukan ng baril ang mga staff ng laundry shop. Umabot sa P100,000 ang natangay ng mga magnanakaw. Pinagnakawan din ang isang establisimento sa Tanay, Rizal at natangayan nang malaking halaga ng pera.

Pawang baril ang gamit sa paggawa ng krimen. Noong Lunes ng gabi, isang biker ang pinagbabaril ng isang lalaki makaraang magtalo. Nagsuntukan muna ang dalawa bago kinuha ng suspect ang kanyang baril. Binaril ng limang beses ang biker. Unang tinamaan sa ulo ang biker.

Kung tunay na gustong lutasin ni President Duterte, ang problema sa droga at kriminaliad, ipag-utos din naman niyang samsamim ang mga hindi lisensiyadong baril. Dahil madaling makabili ng baril, maraming may baril ngayon. Malalakas ang loob ng mga may-ari ng baril at sa kaunting pakikipagtalo ay agad namamaril nang walang patumangga. Mas maganda kung walang iniingatang baril ang mamamayan. Iprayoridad din sana ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with