^

PSN Opinyon

Freedom of Information dapat gawing batas

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PINIRMAHAN na ni Presidente Rodrigo Duterte ang exe­cutive order na nagpapatibay sa Freedom of Information (FOI) na nagbibigay sa taumbayan ng karapatang mabusisi ang mga pampublikong dokumento  sa mga transaksyon sa pamahalaan pati na ang statements of assets and liabilities (SALN) ng mga public officials.

Matagal nang hinihintay ito, hindi lang ng mga media practitioners kundi ng lahat ng mamamayan upang seguruhin na ang ibinabayad na buwis sa pamahalaan ay nagagamit sa wastong paraan at hindi sa katiwalian. Sa pamamagitan nito’y posibleng umiwas ang mga opisyal ng gobyerno sa paggawa ng katiwalian dahil may mga mata nang nagmamanman sa kanila.

Magugunita na noong nangangampanya pa si dating Presidente Aquino kabilang ang pangako niyang pagtibayin ang FOI bill. Isang pangakong agad napako. Buti na lang at tapat sa kanyang salita si President Digong na nagsabing kung hindi man ito maging batas, lalagda siya ng isang executive order kaugnay nito na kanya ngang ginawa.

Dapat ba tayong magsaya? Oo naman pero kulang pa. Nagtataka ako kung bakit hindi ito binanggit ng Pangulo sa kanyang SONA bilang priority bill na dapat maging batas. Hindi puwedeng isa lamang EO ang direktibang ito na maaaring malusaw kapag nagbago ng administrasyon.

Wika nga, dapat itong maging institutionalized at gawing bahagi ng mga batas na dapat sundin sa ating bansa. Ang hindi lamang puwedeng isiwalat sa ilalim ng direktiba ng Pangulo ay ang mga bagay na magsasapanganib sa pambansang seguridad na nakatadhana sa Konstitusyon. Kaya inatasan ng Pangulo ang Department of Justice na magsumite sa kanya ng listahan ng mga bagay na hindi puwedeng saklawin ng FOI.

Inatasan din ni Duterte ang lahat ng mga awtoridad sa pamahalaan na kapag may tinanggap na kahilingan para sa mga dokumento, agad ibigay ito sa loob ng labing-limang araw bata’t wala namang isyu sa legalidad.  Ipinabahala na lamang daw ni Duterte sa Kongreso kung magpapatibay ito ng kahalintulad na batas. Sayang. Mas maganda sana kung nanawagan na ang Pangulo sa Kongreso na pagtibayin ang ganitong batas sa kanyang SONA speech.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with