^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Curfew sa mga menor-de-edad

Pilipino Star Ngayon

NANG ipatupad ang curfew sa mga menor-de-edad noong Hunyo 5, wala nang kakalat-kalat na mga kabataan sa kalye pagsapit ng 10:00 ng gabi. Pati ang mga “batang-hamog” na umaakyat sa mga truck para magnakaw ng gulay, gamit at iba ay big­lang nawala. Hindi na rin nakikita ng mga batang palaboy sa gabi na pawang may dalang plastic at may lamang rugby.

Unang pagpapatupad ng curfew ay marami agad kabataan ang dinampot at dinala sa presinto at barangay hall at saka pinagsabihan ang mga ito. Pero sa ikalawang pagkakataon na mahuli, ay ang magulang na ang mananagot. Kasalanan ng magulang kung bakit lalabuy-laboy pa ang kanilang anak sa kalsada.

Kasabay ng pagpapatupad ng curfew sa mga menor-de-edad ay pinaghuhuli rin naman ng mga pulis at barangay tanod ang mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye at ganundin ang mga nagvi­videoke na nakakabulahaw sa mga kapitbahay.

Ang pagpapatupad ng curew ay nagbunga agad nang magandang resulta sapagkat sa loob lamang ng ilang linggo, nabawasan ang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan. Wala nang naire­report na napipitasan ng hikaw ang mga babae habang nakasakay sa jeepney sa Quiapo. Wala na rin ang mga mandurukot na kabataan sa Recto Avenue. Sabi ng isang barangay chairman sa Quezon City, nabawasan daw ang nirereport na panghahablot ng cell phone at ibang mahahalagang bagay mula nang ipatupad ang curfew. 

Pero panandalian lamang pala ang curfew sapagkat agad nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court na nagpapatigil sa pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan sa Maynila, Quezon City at Navotas. Ang nagsampa ng reklamo ay ang grupo ng mga kabataan na nagsasabing labag daw sa Juvenile Justice and Welfare Act o ang Republic Act No. 9344.

Kung alin ang nagpapakita ng magandang resulta ito naman ang pinahihinto dahil sa reklamo ng iilan. Napakaganda kung may curfew ang kabataan dahil makaiiwas sila sa panganib. Malaking tulong din ito sa mga magulang sapagkat hindi na sila magwo-worry dahil nasa loob na ng bahay ang anak.

Hindi sana naging mabilis ang pagpapatigil sa curfew.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with