^

PSN Opinyon

Unang SONA

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KATATAPOS lamang ng unang SONA ni President Duterte. At pinaalam sa bansa na seryoso pa rin siya sa kanyang digmaan laban sa iligal na droga. Pinuna pa nga ang larawan na lumabas sa isang pahayagan na “ma-drama” raw. Yakap ng babae ang kanyang asawa na pinatay dahil tulak-droga umano. Pinuna na ang pagkuha ng litrato ay nagmistulang Pieta ni Michael- angelo. Sinisi ang pusher na kaya siya napatay ay dahil lumabag siya sa batas.

Nagsalita na ang Standard & Poor’s, ang kila­lang financial research na kumpanya na nagbibi­gay ng “grado” sa mga bansa kaugnay sa kanilang ekonomiya. Ayon sa kanila, ang kasalukuyang patayan bunga ng sinumpang laban ni Duterte sa iligal na droga ay maaaring magkaepekto sa ekonomiya ng bansa, partikular ang mga “extrajudicial killings”. Nababahala sila sa dami ng napapatay halos araw-araw. Tila sinasabi na sino ang gustong magbukas ng tindahan sa kalsada kung saan may patayan araw-araw.

Wala na talagang magagawa ang bansa sa isyung ito, kundi basahin na lang ang mga mamamatay araw-araw. Kung ang Commission on Human Rights pati na ang simbahan ay halos sabihan ni Duterte na huwag nang makialam, ganun na nga siguro. Huwag lang talaga mangyari na ang mga inosente, ang mga walang kina­laman sa iligal na droga ang mapapatay. Nangako naman si Duterte na pasasagutin niya ang mga mang-aabuso na pulis. Sana nga.

Kakaiba ang estilo ng SONA ni Duterte. May mga ilang okasyon na hindi na niya binabasa ang nakahandang talumpati sa teleprompter, at pinatitigil pa nga o pinalalampas pa ang ilang talata para masabi ang nasa kanyang saloobin. Inilatag ang mga plano ng kanyang administrasyon. Tulad din ng mga unang SONA ng mga nakaraang presidente, maraming pangako. Pangako sa agrikultura, imprastraktura, transportasyon, ekonomiya, serbisyo ng gobyerno sa mamamayan at iba pa. Malakas na palakpak ang natanggap niya nang banggitin na babawasan ang buwis ng mga mamamayan at negosyo. Kailangan ko lang punahin na nang banggitin na paluluwagin ang Bank Secrecy Law, konti lang ang pumalakpak. Alam natin kung bakit. 

Parang wala rin akong narinig hinggil sa contractualization, na ipinangako na tatanggalin na noong nangampanya. Baka nasa mga talata na hindi na niya binasa. O baka pinag-aaralan pa kung talagang makakatulong sa bansa. Na­ging maingat din sa pahayag na tanggap natin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration. Wala nang idinagdag. Sinabi lang na ang ha­ngarin ng bansa ay mapayapang solusyon sa pag-angkin ng teritoryo. Siguro ganun na nga lang muna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with