^

PSN Opinyon

Ituloy ang curfew

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAG-ISYU na ng temporary restraining order (TRO) ang Mataas na Hukuman para pansamantalang itigil ang ipinatutupad ng curfew sa mga minor de edad.

Ito’y tugon ng Korte sa petisyon ng grupo ng kaba­taan na ang pagpapataw ng curfew na alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ay paglabag sa kanilang karapatang pantao.

Sa pamamagitan ng TRO, binibigyan ng pagkaka­taon ang mga proponents ng curfew na sagutin ang petisyon. Para  idepensa ang pagpapatupad ng curfew sa mga kabataang nasa edad na labingpito pababa. Umaasa ako na makikita ng Mataas na Hukuman ang lohika ng implementasyon ng curfew. Ito ay upang panga­lagaan ang mga kabataan laban sa mga kri­minal na elemento, lalu na yung mga mangangalakal ng droga. Nung una pang ipahayag ni Pangulong Duterte ang planong ito’y natuwa na ako. Hindi ko inaasahan na kahit mga kabataang wala pang sapat na gulang ay maiisipang maghain ng petisyon sa Korte sa tulong ng isang abogado. 

Yung abogado ay hindi minor de edad. Siya mismo ay dapat maunawaan na dapat protektahan ang mga kabataan. Wala bang anak na minor de edad o kapatid ang abogadong ito para hindi niya malaman na ang isang kabataang wala pa sa sapat na gulang ay nanganganib kung pababayaang lumalaboy sa disoras ng gabi?

Kung sakaling tuluyang ipagbawal ng Korte ang curfew, sana ay magpatibay ng isang batas at gawing prayoridad ng administrasyon para bawalan ang mga minor de edad na lumaboy sa daan sa disoras ng gabi.

Alam ko na hindi lamang ako, kundi marami sa mga kapwa ko magulang ang sasang-ayon na dapat magpatupad ng curfew.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with