^

PSN Opinyon

‘Out of the box’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Straight to the point ang SONA ni Pres. Rody Duterte noong Lunes.

Diretso. Walang keme, walang arte.

Umpisa pa lang, nilinaw na agad ng presidente na hindi niya pag-aaksayahan ng panahon ang kasalanan ng nakaraan. Hindi niya estilo ang magturo nang sisi kung kani-kanino.

Direktamenteng saltik ito kay dating Pres. Benigno Aquino III. Sa lahat ng mga buhay pang naging presidente, siya lang ang no show.

No formalities. Harap-harapang sinabihan ang kapulungan ng Kongreso. Halos lahat daw ng mga pumalakpak sa kanya hindi siya binoto. Kinamayan din si Sen. Leila De Lima na kilalang kritiko ng kanyang giyera kontra droga bago siya umakyat sa congressional platform.

Sa kalbaryo ng publiko, naging emosyunal ang pa­ngulo. Galit sa burukrasya na umiiral sa gobyerno. Ayaw na ng pila sa mga tanggapan. Ang marching order, pabilisin ang mga proseso.

Sosolusyunan ang mga problema sa transportasyon. Pabababain ang buwis. At pinuna rin ang mga kuma­kamkam sa Laguna lake.

Maraming pang mga plataporma at planong inilatag ang administrasyon. Pero hindi tulad ni dating President Aquino na gusto laging nasa dilim ang tao, si President Duterte, hinikayat pa ang publiko.

Dapat raw magmasid, magbantay at makialam ang taumbayan sa pangangasiwa sa gobyerno. Pero bago pa niya sabihin ito, nauna na siyang gumawa. Naglabas na ng FOI ang presidente sa pamamagitan ng isang executive order.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL­ YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with