^

PSN Opinyon

EDITORYAL - FOI: Tagumpay ng mamamayan

Pilipino Star Ngayon

TATLONG dekada nang nakatengga ang Freedom of Information (FOI) Bill. Una itong pinanukala ni dating senador Raul Roco noong 1987. Sobrang tagal na ilang ulit nang inupuan at ni-refile ng mga mambabatas pero walang nangyari. Nabagoong sa panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo at ganundin sa panahon ni dating President Noynoy Aquino. Sa kampanya ni Aquino noong 2010, sinabi niya na ito ang una niyang haharapin kapag siya ang nanalo pero wala ring nangyari. Pipirmahan na lamang pero nag-urung-sulong pa ang dating presidente.

Ang tatlong dekadang paghihintay ay maaari naman palang pagpasyahan sa loob ng 25-araw. Kailangan lang pala ay political will. Kailangan lang pala ay mayroong tigas at paninindigan ang pinuno.

Dalawampu’t limang araw makaraang makapanumpa si President Rodrigo Duterte, nilagdaan niya ang Freedom of Information Bill sa ilalim ng Executive Order. Bagamat hindi lahat ay nasasaklaw ng FOI na nilagdaan ni Duterte, malaking tagumpay na ito sa mamamayan para magkaroon ng access sa official records at mga dokumento ng mga tanggapan ng pamahalaan para magkaroon ng transparency.

Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid at malinawan ng mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Hindi pa ganap ang FOI na inapura ni Duterte pero malaki na ang magagawa nito para magkaroon ng kapangyarihan ang mamamayan na malaman ang mga pinapasok na kontrata.

Huwag namang tumigil ang mga mambabatas para mapalaki pa ang saklaw ng FOI. Kailangang magkaroon pa ng karagdagang ngipin ang FOI. Dito na magsisimula ang tunay na transparency.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with