^

PSN Opinyon

Mateo Lao Yap, 78

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KINUHA na ni Lord si MATEO LAO YAP, 78, last Sa­turday, Hulyo 23, 2016.

Ito ay erpat ni dating National Press Club (NPC) president at Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman na si Jerry S. Yap, publisher at columnist ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan

Naulila niya ang kanyang mga anak na sina Zenaida, Jimmy, Jerry at Josephine, mga apo na sina Mary Grace, Vanessa Grace, John Robin, Diane Grace, Jefferson, Joanna, Janella at John Robinson.

Ang labi nito ay nasa La Funeraria Paz - Sucat, Dr. A. Santos Avenue, Parañaque City.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan sa Huwebes, 8:00 am, sa Hulyo 28, 2016 sa Manila Memorial Park, Parañaque City.

Huwag pasilaw sa ‘bato’!

MAHIGPIT ang bilin ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa SAF troopers na bantayan ang New Bilibid Prison at huwag magpasilaw sa suhol.

Sabi nga, drug money!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiniyak ni Dela Rosa, sa sandaling malaman niya na isa sa kanyang bagong guardya sibil ang gumawa ng kabulastugan siguardong may paglalagyan sila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago pa sila maglaway este mali mag-umpisa pala sa bagong tungkulin nila dyan sa NBP na bantayan ang galaw ng mga druglords sa loob ng Munti magbantay ng kinausap niya ang mga SAF na huwag gumawa ng kabalastugan para hindi mapahiya ang kanilang unit o ang suot nilang uniporme kay Pangulong Digong at sa kanya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang elite Special Action Force ng PNP ang napili nilang magbantay sa Munti para hindi na mamayagpag ang mga nakakulong na druglords sa illegal drug trade operation nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maliit na bilang lamang ang itinalaga todits sa kulungan parang isang batallion ng SAF yata. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang matali ang SAF commando ng dalawa up to 3 months sa bilibid

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga lumang guardya sibil na pinalitan dito ay isasailalim sa re-training program. 

Sabi nga, buti nga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang SAF ang nasa loob ngayon ng bilibid prison kundi kasangga rin nila ang Philippines Marines dito na siyang pansamantalang tatanod sa mga bilanggo.

‘Naka-full battle arms ba ang mga bagong silang este talaga pala?’ tanong ng kuwagong presong takot.

Sagot - siempre kaya nga all out war sila sa bilibid para kung sakaling gusto silang subukan ng mga kamote dito matitikman nila ang bangis ng SAF at Marines.

Bakit naman?

Sagot - train to kill lang sila. Hehehe!

Abangan.

STL bookies sa Lipa Batangas

HINDI birong salapi ang tinatamasa ni Cesar Reyes at mga kaalyado nito sa pa bookies nilang STL con jueteng sa Lipa.

Nagtago pa si Cesar Reyes sa palda este mali anino ng kanyang sidekick na si alyas Kamote para hindi ito mabuko at magpatuloy ang kanyang illegal operation.

‘Million ang kubransa sa Lipa dahil maraming patong na foolish cops.’ sabi ng kuwagong SPO 10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with