^

PSN Opinyon

Paglaban sa katiwalian gawing sistematiko

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGSABI si President Rody Duterte na maglalatag ng isang dosenang hotlines sa Malacañang para mag-report ang mamamayan ng katiwalian. Binalaan din niya ang pulisya ng kamatayan, at mga lokal na opisyales ng pagpapahiya kung mahuli niya sa krimen. Inutosan pa ang mga appointees sa Ehekutibo na pabilisin ang pagbigay ng mga papeles at lisensiya na binabayaran ng mamamayan.

Para maging sistematiko ang paglaban sa katiwalian at pagbilis ng burokrasya, kailangan ni Duterte ng pormal na organisasyon direkta sa ilalim niya. Dati merong Presidential Anti-Graft Commission, bagamat limitado sa pag-imbestiga ng angal laban sa mga tiwaling appointees. Pero binuwag ito ni President Noynoy Aquino, at inilipat ang ilang poder sa Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs. Sa buong termino niya, mabibilang sa dalawang kamay ang mga kasong hinarap nito, dahil abala sa mga legalidad na idinudulog sa Malacañang. Iba naman ang trabaho ng Ombudsman, pag-prosecute sa korte, at pagdisiplina; ng Commission on Audit, na pag­saway ng pagka-gastador; at Civil Service Commission, na pang-personnel management. Ang Governance Commission naman ay para lang sa GOCCs (government-owned and -controlled corporations).

Ibalik sana ang PAGC. Pero palawakin ang awtoridad nito. Tulad dati, bigyan ng poder at pondo para imbestigahan ang 7,000 executive appointees: Cabinet secretaries, undersecretaries, assistant secretaries, bureau directors, deputies, commissioners, matataas na officers ng militar at pulisya, at board members ng GOCCs.

Pero bigyan din ng poder sa performance audit. Ipabantay sa isang dedicated na opisina ang pagsukat ng efficiency -- kung natutupad ang utos na pabilisin ang serbisyo publiko. At magsali rin ng civil society -- mga mamamayan -- sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga sangay. Magrerekomenda rin ng tamang kilos at hugis ng burokrasya.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with