^

PSN Opinyon

‘Damo…para sa patay na kabayo?’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

MAWALAY ka sa taong mahal mo hilong talilong na di alam saan patutunguhan.

“Gusto kong maalagaan ang anak ko kaya ako nagpapaalam sa kanila. Hindi raw valid ang dahilan ko. Hihintayin pa bang may mangayaring hindi maganda sa anak ko,” ayon kay Rea.

Kasalukuyang nagtatrabaho si Rea Austria sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Hinanapan siya ng mapagtatrabahuan ng ahensyang Techsearch International Corp.

Magdadalawang buwan pa lang nagtatrabaho si Rea sa employer ay nalaman niyang may sakit ang kanyang pitong taong gulang na anak.

“Nagpaalam ako sa amo ko na gusto ko nang umuwi dahil sa kalagayan ng anak ko. Dinala ako sa agency ko dito sa Saudi. Ang Turkey Sam Saleh Al Oraini,” kwento ni Rea.

‘Cancer of the bones’ ang sakit ng kanyang anak. Pagkarating niya raw sa ahensya hindi siya pinayagan umuwi. Kinakailangan niya raw munang magbayad ng 4000 Saudi Riyal (SR) para sa kanyang kontrata.

Humingi na din siya ng tulong sa ahensya niya rito sa Pilipinas. Sagot sa kanya inaayos na raw nila na magkaroon siya ng kapalitan kaya hindi na dapat siya magbayad kapag may kapalit nang nakuha ang ahensya sa Pilipinas.

“Isang linggo na ‘ko mahigit sa ahensya tapos sasabihin nila na hindi raw valid ang dahilan ko para makauwi ako ng Pilipinas. Nangako silang tutulungan ako wala pala,” sabi ni Rea.

Kung ganito lang daw ang magiging sitwasyon niya sa kabila ng pangangailangan ng kanyang anak sana hindi na siya nagpadala sa ibang bansa.

Sa halip na pagbigyan siya sa kanyang kahilingan ibinenta pa siya ng ahensya sa ibang employer. Kahit ayaw ni Rea wala siyang nagawa kundi ang  magtrabaho sa bagong amo.

“Gusto ko talaga sana makauwi at makita ang anak ko. Umasa ako sa pangako nilang pauuwiin ako tapos biglang sasabihin na hindi valid ang dahilan ko sa paghiling sa kanila na uuwi ako,” pahayag ni Rea.

Tanong ni Rea kelan daw magiging katanggap-tanggap ang kanyang dahilan kapag patay na ang kanyang anak? Wala rin siyang numero sa Riyadh at tanging ‘roaming number’ lamang ang meron siya.

May pambili naman daw siya ng tiket pero ayaw naman siyang ibili.  Hiling niya sana kunin na lang siya ng OWWA at dun na siya makabili ng tiket para makauwi.

“Tumatawag ako sa agency ko hindi na nila ako sinasagot. Pati sa mga chat ko hindi nila sinasagot. Yung kinakasama ko sinubukan din silang kontakin pero talagang walang makuhang sagot sa kanila,” salaysay ni Rea.

Hindi naman daw siya magpipilit na umuwi kung wala lang sakit ang kanyang anak. Umalis siya ng bansa na maayos ito.

Nung nawalan ng mala yang bata ay agad itong pinatingnan ng kanyang kinakasama sa doktor.

Dun na nila napag-alaman na kanser sa buto ang sakit ng bata.

“Nakipag-usap ako ng maayos sa ahensya ko sa Pilipinas at sabi nila tutulungan ako. Dalawang buwan na hanggang ngayon wala pa rin. Kapag may kapalit na raw ako hindi na sila gagastos,” wika ni Rea.

Dagdag pa ni Rea kung saan-saan daw siya dinala at pinagtrabaho na walang sahod. Napunta siya sa pinsan nito. Nung tanungin daw siya kung may pinagsabihan siya sa kanyang problema sinabi niyang wala.

“Tulungan niyo po akong makauwi. Kailangan ako ng anak ko. Gusto ko siyang maalagaan,” ayon kay Rea.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ng anak ni Rea ay pananakit ng buto, pamamaga at panlalabot sa apektadong parte, pagkapagod at pagbaba ng timbang.

“Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo? Gusto ko makapiling ang anak ko para maalagaan siya,” sabi ni Rea.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ang mawalay pa lang sa mahal mo sa buhay para magtrabaho sa ibang bansa ay mahirap na.

Mas mahirap ang pinagdadaanan ni Rea dahil pitong taong gulang pa lang ang kanyang anak at hindi niya alam kung paano niya ito maaalagaan gayung lahat ng paraang alam niya ay ginagawa niya ngunit walang kasiguraduhan kung makakauwi ba siya ng Pilipinas.

Sa puntong ito tinawagan namin ang ahensya ni Rea dito sa Pilipinas at nakausap namin si Joy Cruz ang Executive Secretary ng ahensya.

Ipinaalam namin sa kanila ang paghingi ng tulong ni Rea sa amin. Ayon sa kanya hinihintay na lamang nila ang ‘release paper’ galing sa employer at sa embassy.

May ginagawa na daw silang paraan para makauwi na si Rea. Papalitan daw si Rea dun sa kanyang amo para mapayagan itong umuwi ng bansa.

Agad naming ipinaalam kay Rea ang sagot sa amin ng ahensya.

“Salamat po sa tulong ninyo. Sana nga totoo ang isinagot nila sa inyo na makakauwi na ako. Ang gusto ko lang naman talaga ay makauwi para maalagaan ko naman ang anak ko. Hindi naman yun simpleng sakit,” pahayag ni Rea.

Ipinaalan din namin kay Joy na kung sakaling magkaroon ng problema si Rea ay agad kaming tatawag sa kanilang tanggapan. Ayon sa kanya nagchat daw sila kay Rea at ipinapaalam niya dito ang mga hakbang na ginagawa nila.

Siguro oras na din para pumasok ang Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) dito sa pamumuno ni Administrator Hans Leo Cacdac para maipatawag ang ahensiyang Techsearch para ayusin ang problema nitong si Rea. Kung hindi ito magagawa, patawan ng ‘indefinite suspension’ hanggang hindi napapauwi itong ating kababayan.

Ang agency ang siyang dapat makipag ugnayan doon sa Riyadh. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with