^

PSN Opinyon

Aksyon ni Erap sa Manila port congestion

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang problema sa port congestion sa Maynila. Lumagda na si Manila Mayor Joseph Estrada sa isang kasunduang magpapalawak ng pier sa Manila Harbour Centre sa Vitas, Tondo ng karagdagang 50 ektarya sa pamamagitan ng reklamasyon.

Sa unang bahagi ay madaragdagan ng isang kilo­metrong daungan ng mga barko. Ito ay kabilang sa 20 pang ektaryang bagsakan at imbakan ng mga kar­gamento na di naka-container. Ang pangalawang bahagi naman ay 30 ektarya para sa mixed-use development. Kasama rito ang mga kalsada at mga instilasyon para sa tubig at kuyente at iba pang mga pangangailangan.

Ang reklamasyon para sa unang bahagi ay nakatakdang matapos sa loob ng isang taon, at ang pangalawang bahagi ay sa loob ng susunod na isa at kalahating taon.

Ang halaga ng proyekto ay tinatayang aabot sa P7.4 bilyon. Ang lahat ng gastusin ay sasagutin ng R-II Builders­ bilang kontratista at 35 ektarya ng reklamasyon ang tanging magsisilbing bayad para dito.

Ang matitirang 15 ektarya ay mapupunta sa pamahalaan upang gawing industrial park. “Ang proyektong ito ay makalilikha ng maraming solusyon sa mga problema sa lungsod tulad ng kakulangan ng espasyo para sa industriya at pantalan, at mga bagong mapagku­kunan ng kita para  pantustos sa mga pangangailangan ng syudad,” ani Erap matapos nyang lagdaan ang kanilang kasunduan.

Ang R-II Builders ay isang triple-A na kumpanya na may mga negosyo sa iba’t-ibang larangan. Kabilang dito ang konstruksyon, inprastraktura, port development and operations, low-cost housing, property administration, at waste disposal and management.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with