^

PSN Opinyon

Kongreso, Hukuman pagbaguhin din

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG pagbabago para pangmatagalan ay dapat mag­mula sa atin. Panawagan ‘yan ni President Rody Duterte nu’ng inaugural niya nu’ng Hunyo 30. Ibig sabihin niya ay magsakripisyo lahat, at mag-ambag sa inaasam na pagbabago. Mapapasunod niya ang Ehekutibo sa ilalim niya. Pero paano ang hiwalay at kapantay na Lehislatura at Hudikatura, mapapasabay ba niya sa pagbabago?

Kay Duterte na mismo nanggaling: Nagiging hadlang sa kaunlaran ang Kongreso at Hukuman. Maari pagka­itan ng mga mambabatas ang Malacañang ng pondo at kapangyarihan. Kaya nga binantaan niyang ipasasara ang Kongreso (sa tulong ng militar) kung barahin ang pagtugis niya sa katiwalian at krimina­lidad. Ugali rin ng mga huwes na pahintuin ang mga proyekto ng gobyerno. Kaya rin binalaan niya sila na papahiyain kung malaman na tumanggap ng suhol.

Politiko ang mga mambabatas. May mga dynasty silang ipinag-tatanggol at interes o negosyong isinusulong. Nakasahod sila sa kita sa ilegal at online na sugal, kolorum na bus, at negosyong nililisensiyahan o bini­bilhan ng gobyerno. Kamag-anak nila ang mga lokal na opisyal na nangungumisyon sa proyekto sa probinsiya, siyudad, o munisipalidad.

Abogado ang mga hukom. Alam nila ang pasikot-sikot at palusot sa batas at proseso. Maari sila mangikil nang patago para baliin ang pasya sa mga kaso.

Bilang politiko rin, madadaan ni Duterte sa pakiusap sa mga partidong politikal ang pakisama sa hangad niyang mga reporma. Bilang kapwa-abogado, maiim­pluwen­siyahan din niya ang mga huwes na ituwid ang mga desisyon para sa ganap na Hustisya. Bilang kapwa opisyal, mahihikayat niya sila na sumali kontra­ katiwalian at krimen. Kung wala pa rin, sa taum­bayan siya manawagan ng pagkilos.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with