^

PSN Opinyon

‘Payback time!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAKAHANAP ngayon ng katapat, “in aid of legislation” si Sen. Leila De Lima.

Kabagu-bagong senadora gusto na agad magpa­sikat. Wala pang dalawang linggong nakakaupo si Pres. Rody Duterte umaatungal na ng imbestigasyon sa Senado. Dudang summary execution ang nangyayari sa operasyon ng PNP. Gusto niya raw silipin ang rules of engagement ng ahensiya.

Espekulasyon niya, magiging killing field ang Pili­pinas kung ipagpapatuloy ang giyera kontra droga.

Si De Lima ‘yung dating kalihim ng Department of Justice noong panahon ng Aquino administration. Nasa hurisdiksyon niya ang Bilibid, Bureau of Correc­tions at mga penal colony. Sa loob ng kanyang termino, namayagpag ang droga sa loob at labas ng bilangguan.

Malayang nakakagalaw ang mga ‘very important prisoners’ habang naghihimas ng matatabang rehas. Ang PDEA na mismo ang nagkumpirma, 92% barangay sa Metro Manila napasok na ng droga.

Sa panahon din ng dating kalihim nagmistulang 5-star hotel and resort ang Munti. Sa hindi pa rin ma­ipaliwanag na dahilan hanggang ngayon, nakakalusot ng walang kahirap-hirap ang mga “tilapya” na P50,000 hanggang P200,000 ang halaga para magbigay-aliw sa mga “VIP”.

Nagsagawa nga siya ng mga raid bago matapos ang kanilang anim na taon pero lahat for show. Ginamit lang na estratehiya at papoging “PR” para manalo sa eleksyon.

Ngayon, Kongreso naman ang bubuwelta. Pinag-iisipan ng kapulungan, imbestigahan kung bakit lumaganap ang droga sa Bilibid sa panahon ni De Lima.

Ayon kay incoming House Speaker Pantaleon Alvarez, kung mayroon mang dapat imbestigahan, in aid of legislation, ito ay si De Lima hindi si Pres. Duterte, PNP o ang war on drugs campaign. Bakit lalo pang namayagpag ang ilegal na droga sa loob mismo ng Bilibid sa kanyang panunungkulan.

Isang bagay lang ang tinitingnan ng BITAG Live. Pinairal ng mga utak dilaw ang kultura ng pagiging walang pakialam, pagiging manhid at mahaba ang pisi. Culture of dismissiveness, tolerance at permissiveness kung sa Ingles.

Ang epekto, si Duterte ngayon ang naglilinis ng kanilang basura.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with