^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Malaking pera ang nasasayang sa traffic

Pilipino Star Ngayon

AYON sa pag-aaral ng Japan International Coordinating Agency (JICA), P2.4 bilyon ang nasasayang araw-araw dahil sa matinding trapik. Kung kukuwentahin ito, umaabot sa P800 bilyon isang taon. Napakalaking halaga nito na nasasayang lamang dahil sa trapik. Sa sobrang laki nang nasasayang na pera, marami na itong maipagagawang kalsada at mga flyover na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Araw-araw ay kalbaryo na ng motorista at commuters ang trapik. Ang dating isang oras na biyahe mula North EDSA patungong Ayala at Buendia, Makati ay mahigit dalawang oras na. Kahit bumangon nang maaga, natatrapik pa rin sa EDSA. Usad-pagong lalo na sa bahaging Cubao na pinalubha nang naghambalang na mga bus. Mayroong nagtitiyagang pumila sa MRT pero mas madalas din itong masira ngayon kaya late pa rin sa trabaho ang mga empleado.

Sabi ng Duterte administration, ginagawa na nila ang lahat nang paraan para masolusyunan ang traffic­ problem. Isa raw sa ikinokonsidera ay ang pagbubukas ng mga kalsada sa subdibisyon para maging daan ng private vehicles at nang lumuwag sa EDSA Isa rin sa pinag-aaralan ay ang pagpapagawa nang mga flyover, skyway at ang pag-aalis ng number coding sa mga bus.

Ang mga planong ito ay nasubukan na noon pa. Naisagawa na ito ng ilang administrasyon pero hindi rin naging epektibo at lalo lamang lumubha ang trapik sa Metro Manila lalo na sa EDSA.

Para sa amin, pinakamagandang paraan ay ang paglilipat ng cargo terminal sa Batangas at Subic. Ang mga cargo truck o container van na bumibiyahe papasok at papalabas ng North Harbor sa Maynila ang nagpapatrapik sa maraming lansangan, Kung ililipat sa Batangas port ang mga cargo, mababawasan ang trapik. Lahat nang cargo para sa South Luzon ay sa Batangas na ideretso at ang para sa Northern Luzon ay sa Subic na kukunin ng mga cargo truck.

Isa pang paraan para lumuwag ang trapik ay ang pagwalis sa mga sasakyang 15 taon pataas. Huwag nang irehistro ang mga sasakyang kakarag-karag na kapag nasira ay nagdudulot ng trapik.

Sa mga nabanggit na paraan, malulutas ang traffic­ sa Metro Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with