^

PSN Opinyon

Paraluman at makata

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Noong kabataa’t nasa college pa lang

Kaysasaya naming mga kabataan

Laging inspirado kung nasa paaralan

Pagkat nakikita ang ‘yung karilagan!

 

Ikaw ay maganda at lagi kang tampok

Sa mga timpalak ng mga alindog;

Maraming beses nang ikaw ay natampok

Dahil sa ganda mong kairug-irog!

Kung may patimpalak sa minulang bayan

Lagi kang panalo bawat paligsahan;

Tuwina’y mutya ka at patrong mahal

Ipinaparada’t pinararangalan!

 

Saka nang pumili sa lahat ng kampus

Ng mutyang maganda at kalugud-lugod

Ikaw ang nagwagi’t ganda’y itinampok

Kinilalang ikaw ang pinakabantog!

 

Kaya nang ilahok sa huling timpalak

Ikaw ang nagwaging maganda sa lahat

Samantalang ako na makatang hamak

Di man lang napansin yaring pusong wasak!

 

Kaya mula noon na ikaw’y mabantog

Tagahanga ako na sunud nang sunod;

Kung inaaglahi at binabatikos

Sa radio at TV may tula pang handog!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with