^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Anong susunod na problema sa NAIA?

Pilipino Star Ngayon

NAGING problema ang “laglag-bala” at “laglag-kisame” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ngayon naman, tuklap na runway ang nagdulot nang problema sa mga paparating na eroplano noong nakaraang linggo. Hindi pinababa ang mga eroplano at sa halip, inutusang mag-landing sa Clark International Airport sa Pampanga. Naging dahilan iyon para maantala ang pagdating nang maraming pasahero – ma-domestic at international flight.

May dalawang metro kuwadrado ang natuklap na aspalto sa runway. Lubhang delikadong bumaba ang eroplano sapagkat maaaring ma-aksidente. Natuklap ang aspalto dahil sa pag-ulan ng mga nakalipas na araw. Lumambot iyon dahil lagi ring dinadaanan ng mga eroplano.Inako naman agad ng secretary ng Department of Transportation ang pangyayari. Hindi niya sinisi ang nakaraang administrasyon kahit pa ang mga ito ang dapat kuwestiyunin. Siya raw lang daw ang umaako nang lahat dahil sa pagkaka-divert ng mga flight. Ngayong nakita na raw ang problema, sisiguruhin niya na hindi na ito mauulit pa sa hinaharap.

Ang pangyayaring iyon ay nakadagdag na naman sa reklamo sa NAIA at maaaring magdulot para muling maiboto na pinaka-worst airport.

Nirereklamo na noon pa ang NAIA dahil sa masamang serbisyo, walang tubig sa comfort rooms, marumi ang sahig, kulang ang signages, walang 24-hour food service, unfriendly ang mga airport staff, mababagsik ang immigration officers at ang mga insidenteng pagnanakaw sa mga alahas, pabango, at relo sa bagahe ng pasahero. May insidente na rin ng pamamaril at may napatay. Hindi nahuli ang gunman dahil walang CCTV ng mga panahong iyon.

Maraming pagbabago ang gustong i-implement ng Duterte administration. Sana makabilang ang NAIA sa irereporma. Matagal nang kailangan ang pagbabago sa “worst airport”. Dapat  magka­roon na ng katuparan ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with