^

PSN Opinyon

Mabuti naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MABUTI naman at hindi pumayag ang administrasyong Duterte na isantabi ang naging makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) kung saan nanalo ang Pilipinas, bilang kundisyon ng China bago mag-usap tungkol sa mga isyu sa South China Sea. Para saan pa pala ang lahat nang hirap na dinanas ng mga lumaban para sa kaso natin kung isasantabi na lang ang desisyon. Alam ng China na may saysay ang desisyon kaya ang gusto ay huwag bigyan ng halaga. Iba naman ang pasya ni dating President Ramos na sang-ayon na pansamantalang isantabi ang desisyon kung siya ang papupuntahin sa Beijing para makipag-usap. Ano nga ba ang susundan?

Magmula nga nang lumabas ang desisyon, sa kabila­ ng pagiging mahinahon ng Pilipinas, lalong naging agresibo ang China sa pananalita at kilos. Nagbanta na magtataguyod ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa rehiyon, nagpalipad pa ng malaking eroplanong pandigma sa may Panatag Shoal, naglahok ng mga eher­sisyo sa karagatan at itutuloy umano ang pagtayo ng mga istraktura sa Panatag Shoal. Ilang mangingisdang Pilipino ang nagtungo na sa Panatag Shoal pero ganun pa rin, hinarang at itinaboy pa rin ng mga Tsino, kahit nagdesisyon na ang korte na iligal ang pagpigil sa ating mga mangingisda na pakinabangan ang Panatag Shoal.

Sa ngayon ay tila naghihintay ang lahat ng panig. Maraming bansa ang naghihikayat sa China na respe­tuhin ang desisyon, pero malinaw nga na hindi nila gagawin ito. At mukhang pati ang Taiwan ay nakikigulo na rin, at hindi rin sinang-ayunan ang desisyon ng korte. May isla rin kasi silang inaalagaan na ayon sa desisyon ng korte ay hindi tunay na isla, kaya wala ring karapatang magkaroon ne Exclusive Economic Zone (EEZ). 

Kung sakaling ituloy na ng China ang pagtatayo ng mga istraktura sa Panatag Shoal tulad ng kanilang ginawa sa Fiery Cross Reef, sa tingin ko rito na talagang magkakaproblema. Ang Panatag Shoal ay 230 kilometro lang ang layo mula sa bansa. Napakalapit na niyan. Kung maglalagay ng pantalan at paliparan, ibang usapan na iyan. Kung may mga kilos para magkaroon ng maayos na usapan sa pagitan ng China at ng bansa, nang hindi isasantabi ang desisyon ng PCA, gawin na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with