^

PSN Opinyon

‘Dinadahan-dahan’

CALVENTO FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

MGA PAANG magaan na tumatapak sa hagdanan para hindi lumangitngit ang kahoy.

Pasilip-silip, patingin-tingin…hindi mo alam sa susunod mong mulat ng iyong mata ay katabi mo na siya sa higaan habang dahan-dahang itinataas ang iyong kasuotan.

“Iba na ang tingin sa akin ng anak ng amo ko. Hindi ako makapagpahinga ng maayos kasi bigla na lang siyang umaakyat sa kwarto,” ayon kay Flory Mae.

Buwan ng Mayo taong 2016 lang nang makarating ng  Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) si Flory Mae Panal upang magtrabaho bilang Household Service Worker (HSW).

Ang naging ahensya niya rito sa Pilipinas na naghanap ng kanyang mapapasukan ay ang Gold Icon Recruitment and Promotion Inc.

“Na-trauma na siya sa ginagawa ng anak ng kanyang amo. Bigla na lang siyang inaakyat sa  kwarto,” ayon kay Uriel.

Matapos makipag-usap sa amin ang kanyang kaibigan na si Uriel Paradas ay mismong si Flory Mae na ang tumawag sa amin mula Riyadh para humingi ng tulong.

Kwento niya nung pagkarating niya sa bahay ng kanyang amo ay hindi pa gaanong malala ang kanyang problema. Hirap lang siya sa pagtulog dahil ang bunsong anak ng amo ay laging umaakyat sa kanilang kwarto ng isa niyang kasamahan.

Napag-alaman niya na may relasyon ang kanyang kasamahan at ang anak ng amo niya. Kapag umaakyat ito ay nahihirapan siyang makatulog dahil naririnig niya ang ingay ng mga ito.

“Ilang linggo ang nakalipas umalis na yung kasamahan ko dahil matatapos na raw ang kanyang kontrata. Sa pagkakaalam ko babalik naman daw siya sa amo namin,” salaysay ni Flory Mae.

Bandang alas kwatro ng umaga ng ika-lima ng Hunyo habang nagpapahinga sa kanyang kwarto si Flory Mae bigla na lang siyang naalimpungatan.

May naririnig siyang kaluskos pero nang tingnan niya wala namang tao. Ilang sandal pa naramdaman niyang may nagtanggal sa kanyang kumot. Bumalandra sa kanya ang mukha ng anak na lalaki ng kanyang amo.

“Why sir?” tanong ni Flory Mae.

“Just watch you,” sagot nito.

Tuwing umaakyat raw ito ay lagi na lang sinasabi nitong ‘Just watch you’. Bagama’t natatakot ipinagpatuloy pa rin ni Flory Mae ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

May pagkakataon pa daw na nakikita niya itong umaakyat ng kanyang kwarto at sinabihan niya itong tawagan na lamang ang kanyang kasamahan para malaman kung kelan ito babalik.

Inutusan siya nito ngunit sinabi niyang wala siyang cellphone at sim card dahil pinagbabawalan siya ng kanyang Madam.

Bumaba ang lalaki at kinuha ang kanyang cellphone. Si Flory Mae ang pinatawag niya sa kasamahan bago niya ipinasa ang cellphone sa anak ng amo.

“Bumaba ako saglit. Naririnig ko na parang tumataas na ang boses niya. Nag-aaway yata sila ng dati kong kasamahan kaya naman umakyat ako para sabihin sa kanya na baka marinig siya ni Madam,” kwento ni Flory Mae.

Inakala ni Flory Mae na hindi na siya guguluhin nito ngunit umaakyat pa ito sa kanyang kwarto. Minsan ay nagigising siyang isang dipa na lang ang layo nito mula sa kanyang kinahihigan.

“Minsan sinasabihan ko siya. Go down, you have work. You need to go down, I want to sleep,” pahayag ni Flory Mae.

Nagpatuloy pa rin ang pag-akyat nito sa kanyang  kwarto. Nung nagpabunot siya ng ngipin at hinang-hina siya inakyat siya ng amo para pakainin dahil magra-Ramadan na at hindi na siya makakakain.

Sa sakit pa ng kanyang bagang sinabi niyang hindi niya pa kayang kumain. Bandang alas diyes napansin niyang nagpunta ang anak ng kanyang amo at pagtingin niya nakaupo na ito sa gilid ng kanyang kama.

“Hinawakan niya yung braso at leeg ko. Hindi naman ako makatayo dahil nanghihina ako at wala akong lakas dahil sa hindi pa ako kumakain,” pahayag ni Flory Mae.

Sa ginawang ito ng  lalaki natakot si Flory Mae baka kung ano ang gawin nito sa mga susunod na araw. Nag-text siya sa kanyang ahente ngunit sagot daw sa kanya madumi lang ang isip niya at siya lang ang may problema. Huwag na lang daw pansinin.

Nagbigay na raw ng babala ang ahensya kaya hindi na uulitin ito. Sa halip na mas mapabuti ang kanyang kalagayan ay mas naging istrikto pa ito sa kanya.

Tinanong niya ang kanyang kasamahan kung talaga bang ganun ang ugali ng amo niyang babae sagot sa kanya mabait daw ito. Nagtataka si Flory Mae kung bakit ganun kung tratuhin siya ng amo.

“Tingin ko dahil nagsumbong ako kaya siya  nagagalit sa ‘kin. Yung dati ko kasing kasamahan wala siyang reklamo at karelasyon niya pa ang anak nito kaya siguro mabait ang turing sa kanya,” salaysay ni Flory Mae.

Nawalan na raw siya ng tiwala sa mga Arabo maging sa kanyang ahente. Natakot na rin siya sa pwedeng mangyari sa kanya.

“Nakatawag lang ako sa inyo gamit ang numero ng amo ko. Pinayagan lang ako kasi nakiusap ako na tatawag sa pamilya ko kung nakuha ba nila ang ipinadala ko. Wala akong numero dito maliban sa roaming. Sana matulungan niyo ako,” sabi ni Flory Mae.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, tinawagan namin ang numero ng ahensiya ni Flory Mae nakausap namin ang Account Officer na si Ms. Irene Alarcon.

Ipinaabot namin sa kanya ang lahat ng reklamo at nangyari rito kay Flory Mae maging ang pag-tetext niya sa kontak niya rito sa Pinas na si Sam.

Nangako naman si Ms. Irene na kakausapin niya muna si Sam tungkol sa ilang impormasyon kay Flory Mae at agad siyang tatawag sa amin upang ipaalam ang kanilang kasagutan sa idinudulog naming problema.

Huming din kami ng tulong sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang maaksyonan ang kalagayan ni Flory Mae.

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with