^

PSN Opinyon

‘Estado ng agrikultura’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

FACT: Sektor ng agrikultura sa Pilipinas, naglalaho na.

Tumatanda na ang mga magsasaka. Ang kanilang mga anak nawawalan na ng gana. Ayaw nang sumunod­ sa yapak ng kanilang mga magulang. Tumatak na sa kani­lang isipan ang pagpapabaya ng mga nakaraang admi­nistrasyon.

Sila na ang pinakamahirap na sektor sa lipunan, ang gobyerno wala pang katiyakan sa mga literal na ‘hampas-lupang’ mas mahirap sa daga. Kaya ang iba, ibinibenta nalang ang ekta-ektaryang lupain sa mga negosyante para gawing real estate subdivision at industrial area.

Habang ang kanilang mga anak, pinipiling magtrabaho na lang sa mga opisina sa lungsod at makipagsapalaran sa ibang bansa. Makikita ito sa enrolment sa mga unibersidad. Lumiliit na ang bilang ng mga kumukuha ng kursong may kinalaman sa agrikultura.

Nakakabahala ang sitwasyong ito. Hindi dapat balewalain ng bagong nakaupo sa Department of Agriculture.   

Hikayatin ang mga kabataan na mahalin ang ‘lupa’. Bigyan ng ayuda at mga insentibo at maglunsad ng mga programa. Burahin sa kanilang isipan ang mga ginawang pag-uuto ng nakaraang administrasyon na ginamit lang sa eleksyon.

Isagawa ang geographical profiling sa bawat rehi­yon. Tukuyin at alamin ang mga pananim na angkop sa lokasyon. Alagaan at palakasin ang mga rice-producing region at suportahan ang ibang mga pananim na pwedeng itanim sa ibang lalawigan tulad ng mga root crop.

Kapag naramdaman ng mga magsasaka ang suporta at ayuda ng gobyerno, walang duda, babalik ang kanilang gana. Ang rice self-sufficiency na dating ipinangako ng nakaraang administrasyon, siguradong matutupad na.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with