^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala na ang mga bonggang gown

Pilipino Star Ngayon

KAKAIBA raw ang makikita sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Rodrigo Duterte sa Lunes. Hindi raw ito katulad sa mga naunang SONA ng mga naging presidente. Magiging maikli raw at derektang punto por punto ang gagawing paglalahad ng Presidente. Wala na raw paliguy-ligoy at kung anu-ano pang mabu­bulaklak na pananalita.

Nakapokus daw sa 10-point agenda ang talum­pati ni Duterte na kinabibilangan ng pag-am­yenda sa Konstitusyon kung saan isusulong ang federal government, pagbuhay sa death pe­nalty at com­pre­hensive tax package.

Hindi rin daw mahahaluan ng anumang paninisi sa nakaraang administrasyon ang SONA ni Duterte. Malayung-malayo raw na magkaroon ng blame game sa unang SONA. Walang maririnig kay Duterte tungkol sa nakaraang administrasyon bagkus nakatuon ito sa mga gagawing plano­ sa hina­harap ng bansa.

Isa sa magandang makikita at mapapansin ay ang kasimplehan ng mga suot ng asa-asawa ng mga mambabatas. Kung sa mga nakaraang SONA ay nagpapatalbugan sa mamahalin at magagarang gown ang mga asawa ng mambabatas, ngayon ay wala na ang mga iyon. Mahigpit na pinag-uutos ng Malacañang na simpleng kasuutan lamang gaya ng Filipiniana dress o business attire ang isuot ng mga maybahay ng mambabatas. Sabi ni prospective speaker Panta­leon Alvarez, hindi na gagawing fashion show ang SONA. Igalang daw ang araw na iyon na ang Presidente lamang ang dapat na mangi­babaw sapagkat iyon kanyang show.

Nararapat lamang na hindi gawaing fashion show ang SONA. Tigilan na ang pagpapahambog sa mga mararangyang kasuutan. Hindi na dapat mangibabaw ang pagpapayabangan habang­ marami ang naghihikahos sa buhay. Nararapat na gawing simple ang SONA at nakapokus sa ikauunlad ng sambayanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with