^

PSN Opinyon

Pambansang dilemma

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GANYAN natin mailalarawan ang problema sa paglutas sa  problema sa Abu Sayyaf. Pambansang dilemma.

Ang grupong ito na walang habas sa pangingidnap at pamumugot ng ulo ay kakaiba sa ibang rebeldeng grupo na ideyolohiyang ipinaglalaban. Dahil dito’y hindi ubra ang negosasyon katulad ng ginagawa ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF at mga grupo ng Bangsamoro.

Sabi nga ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, ang tanging layunin ng Abu ay kumita ng salapi para sa kanilang komunidad. “Pera-pera” wika nga. Kumbaga, ang pangingidnap ay isang industriya sa kanilang lugar na kanilang pinagkakakitaan.

Kaya tingin ko, ito ay isang pambansang dilemma. Ugat nito ay kahirapan at kawalan ng presensya ng pamahalaan sa lugar na kinaroroonan ng mga bandi­dong ito na ang pumoprotekta ay walang iba kundi mga mismong miyembro ng komunidad na pawang ka­anak nila.

Kaya naman hindi makapagsimula ng development program ang gobyerno sa lugar ay hindi ito mapasok dahil tiyak, ang sino mang hindi kilalang mapapadpad doon ay pihong makikidnap.

Hindi naman daw ubrang sabihing bombahin na lang ng minsanan ang kinaroroonan ng mga ito dahil maraming inosenteng tao kabilang ang mga kabataan, katandaan, kalalakihan at kababaihan ang madadamay. Ipinaliwanag ni Dureza na ibang klaseng negosasyon ang isinasagawa ng pamahalaan sa tuwing may kikidnapin ang grupong ito.

Mayroon daw mga kinokontak na tao ang pamahalaan na may direktang pakikiugnayan sa Abu Sayyaf at sila ang nakikipagnegosasyon para sa paglaya ng kanilang mga bihag. Pero kailanman daw ay walang ransom na binabayaran. Kaya sa pamahalaan, wish you all the best na lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with