^

PSN Opinyon

Emergency powers

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG pagbigay ng “emergency powers” kay incoming president Duterte ang mainit na pinag-uusapan ngayon, para matugunan ang napakasamang trapik sa Metro Manila. Dahil walang mabilisang solusyon, ang pagbigay ng kapangyarihang ito ay para mapabilis lang ang mga pansamantalang solusyon, tulad ng pagbukas ng mga subdivision sa pampublikong trapik, bagay na hindi nagagawa dahil nga pribado ang subdivision na may sariling mga patakaran. Sigurado ang mga ekslusibong subdivision kung saan mayayaman ang nakatira ang aangal sa planong ito. Mahal ang kanilang binabayarang homeowner’s fees at sticker para mapanatiling tahimik ang kanilang lugar, pati na rin ang seguridad. Kung bubuksan ito sa publiko, hindi lang iingay ang lugar, magiging mausok, baka masira pa ang mga kalsada na hindi ginawa para sa mabigat na trapik, at marami pang ibang isyu.

Ang mabilis na pag-apruba sa mga proyektong imprastraktura para sa trapik ang isa ring magagawa kapag nabigay ng kapangyarihan ang pangulo. Hindi na yata dadaan sa public bidding, basta hindi lang lugi ang gobyerno sa pipiliing kontraktor ng mga nasabing proyekto. Binanggit din na puwedeng angkinin ng gobyerno ang lupain kung magagamit para sa mga proyekto. Masalimoot rin ito kung sakali. Gusto ring ibasura ang kapangyarihn ng mga TRO, na siyang dahilan raw kung bakit maraming proyekto ang naaantala.

Kailangang magawa muna bago maibigay ang “emergency powers” ay ilatag kung ano ang saklaw ng kapangyarihang ito, na dapat dumaan sa masinsi­nang pag-aaral. Mismong si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang nagpaalala na dapat lahat ay ayon pa rin sa Konstitusyon ng bansa at karapatan ng tao. Sinita na hindi pwedeng basta-basta angkinin ng gobyerno ang pag-aari ng lupain para sa proyekto ng gobyerno. Maraming kaso nga na ganito ang nakabinbin sa korte, dahil pinag-aaralan kung ligal at patas ang mga pag-angkin sa lupain.

Sa tingin ko dito na unang magkakaproblema ang papasok na administrasyon. Baka hindi magkasundo ang ehekutibo sa lehislatura. Sa mga pahayag ni Duterte, malinaw na gustong kumilos na hindi siya pakikialaman ng anumang sangay ng pamahalaan, tulad ng Kongreso at ng Commission on Human Rights. Walang argumento na lahat gustong malutas ang trapik. Kailangang siguraduhin lang na nasa tama ang lahat at hindi maaabuso, na siyang pahayag ni Chief Justice Sereno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with