^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tatlong ‘bugok’ sa PNP, basagin na

Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang buwan, harap-harapang sinabi ni president-elect Rodrigo Duterte na may tatlong police general sa Camp Crame na sangkot sa mga illegal na gawain. Binalaan niya ang mga ito na mag-resign na kung ayaw ng mga itong ipahiya niya. Huwag na raw hintayin ng mga ito na ibulgar pa niya ang mga pangalan­. Kahiya-hiya ang mga ito kapag nabisto ang gina­gawang illegal kaya babala ni Duterte na mag-resign na para hindi lubusang mapahiya.

Kamakalawa, muli na namang binalaan ni Duterte ang tatlong police heneral na magbitiw o mag-retire na sa puwesto. Hindi raw siya nagbibiro. Pag-upo raw niya sa Hunyo 30 ay lubusan niyang ipatutupad ang mga pagbabago gaya nang ipinangako niya noong nangangampanya. Sabi ni Duterte papatayin niya ang sinumang mananakit sa mamamayan at mga kabataan.

Mas maganda kung papangalanan na ni Duterte ang tatlong police generals na sangkot sa illegal na gawain. Kung talagang gusto niyang malinis ang PNP sa mga corrupt na opisyal, sabihin na niya ang pangalan ng tatlong “bugok”. Kapag hindi pa pangangalanan ni Duterte ang tatlong bugok, baka mayroon pang gawing hindi maganda ang mga ito na makasisira sa imahe ng PNP.  Dapat unahan na niya.

Umano’y sangkot sa illegal na droga ang tatlong police general.  Nakapag-imbestiga na umano ang bagong hepe ng PNP na si Gen. Ronald dela Rosa sa tatlong general kaya. Malakas ang loob ni Duterte na magbanta sa mga ito. Sure siya na talagang sangkot sa masamang gawain ang tatlong heneral.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mama­mayan na talagang maraming pulis ang gumagawa nang masama at dito nababahiran ang imahe ng PNP. Maraming pulis ang nagre-recycle ng droga. Maraming sangkot sa kidnap for ransom at maraming lumilinya sa hulidap.

Aabangan ang pagbubulgar sa tatlong heneral­ ng parak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with