^

PSN Opinyon

Firsts

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

MARAMING bagay din ang kapuna-puna bago manumpa si president-elect Rodrigo Duterte bilang  16th president of the Republic of the Philippines ngayong June 30.

Ika nga, maraming firsts sa kasaysayan ng ating bansa na kung saan ang hinalal na presidente ay agad-agad sumabak sa trabaho at ang tanging pahinga niya ay ang isang linggong hiningi niyang hindi muna siya lalabas sa publiko pagkatapos noong sigurado nang siya nga ang nanalo sa May 9 elections sa pagka-presidente. 

Sinimulan ‘yon ng kanyang pakipagkita sa kanyang mga libu-libong well-wishers na ginanap sa Matina Enclaves Residences na agad namang nilipat sa Malacañang of the South sa loob ng Department of Public Works and Highways equipment depot sa Barangay Panacan dito. 

At agad may nabuo nang transition team na nangasiwa sa mga dapat gawin bago umakyat ng Malacañang si Duterte.

Ngunit si Duterte mismo ang namimili sa kung sinu-sino ang maging miyembro ng kanyang Gabinete. 

Ang lahat nang ito ay nangyayari na alam ng buong bansa bawa’t hakbang at bawa’t appointee ni Duterte.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ng Duterte finance team sa pangunguna ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez II na pababain ang may 450 top businessmen sa Manila upang idaos ang isang two-day consultative workshop on the 10-point socio-economic agenda ng papasok na administrasyon. Ika nga ng mga dumalong captains of the industry na encouraging at participative ang nangyaring consultative workshop dahil nga sila mismo ay involved sa pagbuo ng tatahaking landas ng Duterte administration.

Hindi naman lingid sa lahat kung paanong sinimulan ni Duterte ang kanyang kampanya laban sa krimen at illegal drugs. Hindi pa nga siya nakakaupo ay pinaliwanag na niya na talagang lalabanan niya ang illegal drugs, krimen at korapsyon. 

Pinadalhan na rin agad si Duterte ng Special Advance Group ng Presidential Security Group upang matutukan ang kanyang seguridad.

At nasa kanyang beck and call na ang serbisyo ng RTVM Malacañang, PTV4 at maging ang Presidential Management Staff.

Nagagamit na rin niya ang Malacanang of the South building na kung saan niya hinaharap ang mga foreign envoys, businessmen at marami pang iba sa mga nagdaang mga araw.

Itong lahat ay nangyayari bago man lang manumpa si Duterte ngayong June 30.

Binigyan lang ni Duterte ang lahat ng sneak peek ng kanyang magiging administrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with