^

PSN Opinyon

Hamon kay Duterte

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Tayong mga Pinoy laging umaasa

na kinabukasan tayo’y may pag-asa;

Sa lahat ng tao mga magsasaka

maagang patungo sa taniman nila!

 

Kasama ang kanyang ginang na mabait

sila ay patungo sa malaking bukid

Mga anak nila na kapwa paslit

matapos halikan sila ay umalis!

Habang si lalaki ay nag-aararo

si babae naman nagbalik sa kubo;

Pagdating sa bahay nagising dalawang bunso

Matapos halikan pinadede ito!

 

Di pa nagtatagal itong mister niya

sa pag-aararo natigilang bigla;

Sa maraming putok sa tahanan nila

araro’t kalabaw di na alintana!

 

Mabilis na siya umuwi ng bahay

halos himatayin sa kanyang naratnan;

Kanyang mga anak at ang ginang

pawang patay na at mga duguan!

 

Itong magsasaka ay walang nagawa

kundi ang umiyak at nagsisigaw pa;

Mga kapitbahay nang damayan siya

sira na ang bait ayaw magsalita!

 

Ganito ang buhay sa maraming nayon

na di nararating nang maraming mayor;

Mga kongresista’t mga senador

hindi nila alam nangyayari ngayon!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with