^

PSN Opinyon

Parang mga ‘daga’ na naglabasan sa lungga

BANAT NI BATUIGAS - Pilipino Star Ngayon

NAYANIG ang pushers/users sa walang tigil na patayan araw-araw matapos paigtingin ng Philippine National Police ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga sa buong bansa. Siyempre, hindi rito pahuhuli ang bounty hunters na naghahangad din ng pabuya na ipinangako ni president-elect Rody Duterte na P50 milyon kada ulo sa mga personalidad na sangkot sa pagpapakalat ng droga, he-he-he! Kaya tuloy mistulang mga “daga” at “alupihan” na naglabasan sa kani-kanilang mga lungga upang maka­iwas sa napakalupit na kaparusahan.

Bilang patunay may ilang lalawigan na ngayon sa Mindanao na nagkukusa nang sumuko ang mga salot na pushers/users sa PNP dala ang pangakong hindi na sila magtutulak at gagamit ng droga upang maiwasan ang parusang ipapataw sa kanila ng administrasyon ni Duterte. Sa Batangas may kakaibang kaparaanan si Mayor­ Antonio Hallili sa mga nahuhuling salot sa droga­. Sa kabila kasi ng pagtuligsa ng CHR sa “Flores de Pushers­” ni Halili tuloy pa rin ang pagparada sa drug offenders. Masuwerte pa sila at nakakalakad pa sila sa “shame campaign” ni Halili kaysa pantay na ang kanilang mga paa na nilalakad patungong libingan.

Sa Quezon City naman ay nagkusang sumuko sa Camp Karingal ang may 300 drug offenders kaya halos mapuno ang basketball court at kinapos ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit at Scene of the Crime Operation team sa pagproseso ang record varification. Tama lamang itong pagkilos ng pushres/users­ dahil namiminto na rin silang pumantay ang kanilang mga paa oras na di sila magbago. Epektibo at tumino sa isipan ng drug pushers/users ang binitawang salita ni President Rody na papatayin niya ang mga sangkot sa pagpapakalat ng droga. Ang masakit mukhang hindi kuntento si President Rody sa patayan na nagaganap dahil sa tingin niya naglilinis lamang ang mga pulis upang maitago ang tunay na kalakaran sa hanay ng PNP.

Sa Bulacan nagkaroon ng “stand off” ang drug operation sa pagitan ng Bulacan Police at National Capital Region Police Office-Regional Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group na masusing ini-imbestigahan ngayon sa Camp Crame. Mukhang nagkaroon ng sapawan sa operasyon kung kaya sila-sila nagkakatutukan ng baril na humantong sa pagkaaresto sa mga tauhan ni NCRPO chief Joel Pagdilao. Lumilitaw na lumampas ng bakuran ang mga taga NCRPO-RAID na ikinainsulto ng Bulacan Police.

Samantala kinakapos na ng mga tauhan ang Commission on Human Rights sa pag-iimbestiga sa mga napatay na drug offenders na sa taya ng aking mga kausap mahigit sa 100 na ang napapatay sa mga operasyon ng PNP. Ngunit galit si President Rody sa komento ng mga taga-CHR. Kung lehitimo naman ang enkuwentro, si Duterte na lamang ang harapin, dahil sa pag-upo niya sa Malacañang mananagot ang mga pulis na nagku-cover-up sa operasyon ng droga. Ewan ko lang kung kabilang sa pag-uukulan ng pansin ni President Rody ang kahina-hinalang pagkamatay ng lider ng Jimboy Robbery Group? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with