^

PSN Opinyon

Perhuwisyo ng China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAMAKALAWA, matagumpay na natapos ang taunang Media Forum ng Philippine Press Institute (PPI) sa Century Park Hotel. Bilang kinatawan ng Star Media Group sa PPI, ako ang nahalal na bagong chairman-president kapalit ni Jesus Duresa na nakatakdang manungkulan sa gabinete ni Presidente Duterte bilang peace adviser.

Ang paksa sa forum ay tungkol sa maritime dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Seas at ang resource person ay si Associate Supreme Court Justice Antonio Carpio.

Komprehensibo ang kanyang mahigit sa isang oras na lecture na ang buod ay nagsasabing “may laban tayo sa China” at may karapatang ipatigil ang pagsaklaw nito sa malaking bahagi ng West Philippine Seas o Spratly Group of Islands. Pero wala daw tayong ibang maga­gawa kundi dumaan sa prosesong legal ani Carpio at hindi sa digmaan. Agree!

Hinihimok ni Carpio ang susunod na Presidente Rodrigo Duterte na huwag umatras sa petisyon natin sa United Nations Law of the Seas (UNCLOS) arbitral tribunal para itigil na ng China ang pandarahas sa rehiyon. Mga mangi­ngisdang Pilipino ang napeperhuwisyo. Nakapagpakita si Carpio ng mga katibayan. Mga lumang mapa na ang mga bahaging kinakamkam ng China ay teritoryo ng Pilipinas.

Ngunit matigas ang China. Tinanong ko si Carpio kung ano ang gagawin ng sakaling ang paparating na desisyon ng tribunal ay pumabor sa atin pero hindi kikilalanin ng China? Aminado si Carpio sa posibilidad na mangyayari ito. Pero naniniwala siya na walang magagawa ang China kundi sumunod sa ipaguutos ng UN tribunal.

Ang malungkot, sinabi niya na baka magtagal ito at hindi natin makuha ang minimithing resulta sa loob ng ating panahon. Kung sasabak nga naman tayo sa digmaan, talo tayo dahil isang makapangyarihan at malaking bansa ang China. Kaya ang paraan lang ay mahilot sa mabuting usapan ang isyung ito. Amicable settlement. No matter how long it would take..hu-hu-hu!

Sa mga ginagawang pagtatayo ng mga artipisyal na isla ng China, marami nang coral reefs ang nasira. Kaya kung magtatagal ang usaping ito, tiyak marami pang perhuwisyo ang malilikha. At papaano ang ating mga mangingisdang wala nang mapagkukunan ng kabuhayan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with