^

PSN Opinyon

Admin ‘higop’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SAAN kaya kumukuha ng tibay ng sikmura at lamanloob si outgoing NIA administrator Florencio Padernal.

Ito ‘yung “reflexologist” na administrador na sinugod ng mga magsasaka ng Kalinga at Central Luzon dahil sa kapalpakan at kapabayaan sa mga patubigan. Subalit sa halip na tingnan ang hinaing ng mga literal na ‘hampaslupang’ matinding naapektuhan ng El Niño, itong si Padernal ‘nanghilot’ lang.

Hindi raw makakapagbigay ng patubig ang NIA dahil ang mga irrigators association ay may utang pa sa ahensiya. Pero nitong Miyerkules, anlakas ng loob maglabas ng NIA ng one full page ad sa isang malaking broadsheet para sa kanilang 53rd anniversary.   

Pareho lang ang estilo ng magaling na “reflexologist” at ‘yung isa ring sipsip na LP governor sa Negros Occidental na si Gov. Alfredo Marañon.

Antibay ng sikmura. Sinadya talagang isang buong page ang pagbubuhat-bangko para ma-highlight ang pa­ngalan ng kanyang patron sa Palasyo. “Madamo nga sala­mat” daw kay P-Noy sa kanyang walang sawang pag­suporta at pagpapaunlad ng patubigan.  

Maaaring totoo ang kanyang sinasabi. Problema, taliwas ang sinasabi ng maraming magsasaka. Hindi randam ang ipinangangalandakan nilang mga accomplishment.  

Umaasa ang mga nangangalam ang sikmurang magsasaka na matitikman at matatamasa nila ang pagbabago sa administrasyon ni President-elect Rody Duterte. Isa sa kanyang mga plataporma, paunlarin at palaguin ang sektor ng agrikultura partikular ang irigasyon para maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka.    

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with